Hindi naman laging aksidente ang dala sa’yo ng pusang itim kaya huwag ka munang matakot. Sa loob kasi ng mahabang panahon ay nakatatak na sa isipan natin na ang pusang itim ay nagbibigay sa atin ng kamalasan. Gayunpaman, kailangan mong malaman na magiging malas lang iyon kapag bigla kang tinakbuhan ng pusang itim.
O, hindi ba, sinasabi natin na maaaring ang pusang itim ay alaga ng kung sinong nilalang na may kapangyarihang itim. Kaya, kung tatakbo pa siyang palayo sa’yo, ibig lang sabihin noon, mas matinding kamalasan ang nakasunod sa’yo at hindi niya gugustuhin na madamay sa kamalasan na sasapitin mo.
Kung may makikita ka namang pusang itim na nakatambay lang habang nakatitig sa’yo, doon ka dapat makaramdam ng kilabot. Malaki kasi ang tendensiya na may kapahamakan na naghihintay sa’yo. Kaya nga kung paalis ka pa lang sa bahay ninyo at hindi naman ganoon kaimportante ang pupuntahan mo, mas maiging huwag ka na tumuloy sa pupuntahan mo dahil may kapahamakan na naghihintay sa’yo.
Ngunit, kung nilalapitan ka ng pusang itim, mas maiging matuwa ka dahil ibig sabihin noon ay may suwerteng palapit sa’yo. Kaya, huwag ka na matakot pa sa pusang itim na sasalubong sa’yo. Mas maigi nga kung pakikitaan mo pa siya ng pagkagiliw para mas matuloy ang suwerte na nakaabang lang sa’yo.
O, sana naman ay masiyahan ka.
Sa mga nais magpagabay at reading imessage po lamang ninyo ako sa aking facebook account Marivic Nuñez Pauyon
https://www.facebook.com/marivic.p.dornan