Ang buhay ay parang babasaging kristal

Umagang-umaga pa lang  nu’ng Lunes ay nabulabog na ang kamalayan ko ng masamang balita, ang sikat na basketball player na si Kobe Bryant ay pumanaw na dahil sa pag crashed ng sinasakyang helicopter.Si Kobe Bryant ay isa sa pinaka kilalang manlalaro ng NBA dahil sa kanyang pambihirang galing at talino sa loob ng court. Naglaro si Kobe para sa Los Angeles Lakers nang dalawampung taon mula sa taong 1996-2016 at sa huling laro niya noong 2016 ay nagtala siya ng 60 points upang tapusin ang kanyang karera. 

Sa pangyayaring ito ay napatunayan ko na hindi mo talaga hawak ang sarili mong buhay. Kahit na anong pag-ingat ang gawin mo kapag kinuha ka na Niya, wala ka nang magagawa pa kundi magpalam sa mundong ito. Kaya, talagang importante na maging handa ka anumang oras na kailanganin mo nang lisanin ang mundong ito, ready ka na ring humarap sa kanya.

Paano mo ba masasabing ready ka na talaga? Habang nandito ka pa sa mundong ito, gawin mo na kung ano ang pangarap at gusto mo. Kailangan mo lang siyempre siguraduhin na wala kang masasaktan o maaapakan. Bukod pa rito, iparamdam mo naman sa mga taong mahalaga sa’yo ang iyong pagmamahal at pagrespeto. Mas maiging puro kabutihan ang ibahagi mo para naman kahit mawala ka sa mundong ito, mas maaalala ka.

Tulad na lang ni Kobe, buong mundo ay nagluluksa sa kanyang pagkawala. Napakalaki naman kasi talaga nang naiambag niya sa mundo ng pagba-basketball. Bukod pa roon ay marami ang nagsasabi kung gaano siya kabuting tao. Eh, ikaw, anong magiging epekto mo sa mga tao kapag nawala ka sa mundong ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here