ANG BINILING PAG-AARI NI MICHAEL JACKSON SA BUWAN

Malaki ang impluwensiya ng buwan sa buhay at musika ng yumaong “King of Pop” na si Michael Jackson. Katunayan, ang sikat niyang dance move na “moonwalker” at ang autobiography niyang “Moon” ay may impluwensiya ng buwan.

Bukod dito, napag-alaman na may nagawa siyang kanta na hindi pa nailalabas na “Scared to the Moon”. Bagama’t wala na sa piling ng mga fans niya si Jacko, may isang kakatwang bagay siyang ginawa noong siya’y nabubuhay pa. Ano ito? Ang pagbili ng property ni Michael sa buwan.

Iginawad noon ng The Lunar Republic Society ang heavenly tribute sa kanya— kung saan mayroong sariling marka o insignia sa buwan si Michael. Isang crater din sa buwan ang ipinangalan sa kanya gaya ng “Walk of Fame of Stars” sa Hollywood. Batay sa ulat ng Daily Express, ang dating tinatawag aniya na Posidonius J, na nasa Lake of Dreams ay ipinangalan na sa King of Pop.

Malapit ang nasabing lunan sa 1,200 parcel crater na nabili ni Michael ayon sa Lunar Republic Society ay planong linangin ang buwan para sa sangkatauhan. Batay pa sa ulat, nakabili ng propyedad si Jackson sa buwan noon pang 2005, kung saan nabili nito ang area na kinahihimlayan ng 2,680 metrong taas na bulkan na Posidonius J. Bukod dito, nakabili rin ng maliit na parcel si Jackson sa “Sea of Vapors”. Hindi na sinabi kung magkano ang halaga ng area na mayroong crater.

Ang ilang larawan ng mga nabiling propyedad ni Michael ay inilabas ng News Groups Newspaper Ltd. Ngunit, ayon sa Telegraph UK, nagkakahalaga ng $27.40 per acre o katumbas ng 17 UK pound ang nasabing crater. Ang perang ipinambili ni Jackson dito ay ang pinagsama-samang kita sa kanyang Dangerous at History album at ilang serye ng shows.

Ayon sa publicist ni Michael, may natitira pa siyang US$500 million dollars na ari-arian kung saan mapupunta ang 40 porsiyento sa kanyang pamilya. Ang forty percent pa ay mapupunta sa kanyang kanyang tatlong anak na sina Paris, Prince Michael I at Prince Brilliant Michael Jackson II. Ang natitirang 20 percent naman ay mapupunta sa charity.

Bukod kay Michael, ang ilang crater sa buwan ay ipinangalan din sa ilang pamosong tao sa kasaysayan bilang luminary tribute sa kanila gaya nina Christopher Columbus, Leonardo da Vinci, Sir Isaac Newton at Jules Verne.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here