ANG BENEPISYONG DULOT NG WALKING MEDITATION

0
157

Napatunayan ng Science na ang paglalakad ay mainam sa ating kalusugan at total well-being.

Ang paglalakad ay isa na ring uri ng meditation.

Isa sa napakahalagang benepisyo na makukuha sa walking meditation ay ang pagkakaroon ng payapang kaisipan. Mainam gawin ang walking meditation sa parke na maraming halaman upang muling mai-konekta ang iyong sarili sa kalikasan.

Bukod dito, nakatutulong rin ang walking meditation upang ikaw ay makapag-isip ng maayos. Kung ikaw ay naguguluhan at hindi makapag-desisyon, subukan mong maglakad-lakad. Nada-divert nito ang iba mo pang energy sa ibang bagay maliban sa pag-iisip. Nakakatulong ang paglalakad upang ma-stimulate ang utak at makapag-isip ka ng maayos.

Nakakapagpabuti rin ng ating concentration ang walking meditation. Gumagana halos ang lahat ng ating senses kapag tayo ay naglalakad. Nakakatulong ito upang maging alerto tayo sa ating kapaligiran.

Subukan na ang walking meditation. Bukod sa mabuti ito sa ating pisikal na kalusugan, makatutulong rin ito sa iyong mental at emosyonal na kalusugan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here