Ang aral na itinuro ng CoVid-19?

Marami ang nagsasabi na kaya nagkaroon ng Covid-19 ay dahil sa isang virus na nakukuha sa pagkain ng hilaw na hayop. Maaaring totoo nga ito pero nakapagtataka naman na iyon ay kumalat pa sa buong mundo at hindi na lang nanatili sa katawan ng taong kumain ng hayop na iyon. Gayunpaman, may aral na itinuro sa atin ang virus na ito.

  1. Lahat ng mayroon tayo ay hindi permanente – Kahit na kasi gaano kaganda ng iyong trabaho ay nabalewala ng dumating sa ating bansa ang covid 19. Marami ang nawalan ng trabaho at marami sa atin ang patuloy na kumakalam ang sikmura dahil wala na tayong maipambili ng ating makakain.
  2. Pamilya ang ating naging sandalan – Kung hindi dahil sa pamilyang nagmamahal sa’yo, malamang kinuha ka na ng kamatayan, lalo na kung ikaw ay dinapuan ng nakamamatay na sakit na ito. Hindi mo kasi gugustuhing lumaban hanggang sa huli kung wala kang asawa at anak na naghihintay at umaasa sa’yo
  3. Mga kaibigan na maaasahan – Sa panahon ng kagipitan ang mga tunay mong kaibigan ay makikilala mo talaga. Kahit kasi may problema rin siyang pinagdaraanan ay hindi ka niya nagagawang talikuran lalo na kung kailangan mo ng tulong at kaya rin naman niyang ibigay
  4. Manalig sa Diyos  – Ito ang pinakaimportante sa lahat. Alam naman kasi natin na tanging Siya lang ang may kakayahan na pumuksa sa virus na ito at naniniwala ako na gagawin nya iyon sa takdang panahon. Dangan nga lamang at kailangan pa nating sa Kanya ay manalig at magtiwala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here