ANG APAT NA HUWAD NA MGA PANGYAYARI SA KASAYSAYAN

FT. COLLINS, CO - OCTOBER 15: Falcon Heene (C), 6, is shown outside his home October 15, 2009 in Ft. Collins, Colorado. Falcon was found hiding in the attic of his family home after his siblings had erroneously reported that he was riding aboard an experimental balloon built by his father. Media helicopters, military aircraft and the FAA all assisted in tracking down the wayward balloon, which landed in a field in Weld County, Colorado. (Photo by John Moore/Getty Images)

May mga pangyayari sa ating kasaysayan na akala ng iba ay may patotoo o talagang nangyari. Pero, sa kabila ng masusing pagsusuri at pagsisiyasat, ito ay napatunayang huwad at kathang isip lamang, kaakibat ng ilang misteryong nababalut dito. Pero, itinuturing pa rin ng ilan na talagang naganap. Atin pong alamin kung ano-ano po ang mga ito.

Ang Trojan Horse–   Itinuturing ng mga dalubhasa sa kasaysayan na isa sa ‘greatest hoaxes’ na pinaniniwalaan ng ilan. Ang ilan ay sinasabing totoo itong naganap. Pero ang totoo, isa lamang itong bantog na literatura. 

Ito ay isang alamat lamang.  Sa naturang epiko, ang mga Griyego ay nagkaroon ng alitan sa mga Trojans. Gumawa sila ng higanteng kabayo na yari sa kahoy at ginawang regalo sa mga kalaban. Nang matagumpay ang isinagawang huwad na peace offering,nagsilabasan ang mga kawal sa loob ng kabayo ay sinalakay ang mga Trojan.  Ang dahilan at iba pang pangyayari ay alam na natin dahil itinuturo naman iyan sa paaralan at napanood pa natin sa pelikula (Troy).

Ang ‘War of the Worlds’–   Noong Halloween night noong taong 1938, ang radio broadcast ni H.G Wells tungkol sa 1898 science fiction novel na “ The War of the Worlds” ay nakumbinsi ang mga tao na ang Estados Unidos ay sasakupin ng mga aliens. Ang may kagagawan ng naturang pahayag sa radio ay si Orson Welles. Kung kaya, nagpanic noon ang mga tao.

The Piltdown Man-              Noong taong 1912, si Charles Dawson at Arthur Smith Woodward ay nakatuklas ng mga kakatwang set of fossils sa Sussex, England. Ang mga naturang fragments ay binuo at nabuo nga ang Piltdown man skull na kung saan ay pinalalabs na ito ang kasagutan tungkol sa missing link sa pagitan ng tao at ng unggoy. Ayon sa Bristish national History Museum, inihayag nila na ang naturang insidente ay isang halimbawa ng huwad na siyensiya. 40 taon ang ginugol upang pag-aralan ang naturang bungo sa pamamagitan ng mas mainam scientific dating. Lumabas na peke ang naturang fossil.

U- 505– Sa kasagsagan noong WWII, noong ika-4 ng Hunyo 1944, nakatuklas ang U.S Navy ng isang German submarine U-505 at itinago iyon pati ang mga crew sa loob ng submarine bilang sikreto. Ang Allied forces ay umaasang gamitin ang materyales at code books na nakuha sa submarine upang gamitin laban sa mga Nazi’s. Di nila alam, bitrag lang ito ng oposisyon at nagtagumpay iyon. Ang naturang submarine ay dinala sa Bermuda at 58 Nazi soldiers ang nahuli noong nagsagawa ng raid at ikinulong. Hindi sila pinapayagang magpadala ng liham. Akala ng German army ay patay na sila na ipinagbigay alam na sa kani-kanilang mga pamilya. Ayon sa Chicago’s Museum of Science and Industry, ang submarine ay kasama pala sa exhibit. Pinakawalan naman ang mga survivors pagkatapos ng giyera.  

Ang Balloon Boy–                Ito ang pinakabagong huwad na kasaysayan sa  ngayon tungkol sa batang lalaki na si Falcon Heene 6-anyos noon ay naglayag sakay  ng isang UFO-liked helium balloon sa himpapawid ng Colorado sa taas na 2 kilometro. Umani ng media attention ang naturang insidente noong Oktubre 15, 2009.

Akala ng mga tao, dinadalaw ang Colorado ng UFO. Pero, nagulantang sila nang makita sa cable TV na sumasakay sa balloon ang bata at napunit ito, anupa’t dumausdos na kumakapit sa balloon. Para tuloy si Tarzan ang bata na nagbabaging sa ere. Doon na nakatawag ng atensiyon sa kinauukulan ang makapagpigil hiningang eksena.

Nang lumagpak sa lupa ang naturang balloon sa pag-aakalang nandoon ang bata. Agad silang rumesponde  upang tulungan ang bata. Subalit, hindi nila nakita si Falcon. Inamin ng mga magulang ng bata na sina Richard at Mayumi Heene na gawa-gawa at palabas lamang ang insidente para makatawag ng atensiyon sa media. Pinagmulta ang dalawa at nakulong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here