ANG ANGKOP NA LUCKY CHARM PARA SA MGA ARIEN (ARIES)

586

Bawat signos o astrological/zodiac sign ay may kanila-kanilang lucky symbols—sa love, business, career, at abundance.

        Ang mga taong ipinanganak sa pagitan ng mga petsa mula Marso 21 hanggang Abril 19 ay saklaw ng signos na Aries. ©PhilippineOne.com

        Ang mga Arien ay ay nabibilang sa Elemento ng Apoy/ Fire Element. Ito ang dahilan kaya marubdob o maalab ang iyong emosyon sa anumang bagay na iyong ginagawa.

 Upang ma-attract ang love sa buhay, ugaliin ang pagdadala o pagsusuot ng alahas o accessories na may garnet stone. Palalakasin ng fiery gem na ito ang iyong sex appeal na siyang magbibigay daan upang higit kang maging mapalad sa laro ng pag-ibig. ©PhilippineOne.com

Sa business o career, ang lapis o pencil holder na gawa sa kahoy ang magsisilbi mong lucky charm upang umasenso ang iyong kabuhayan at karera.

Upang ma-attract ang abundance, makatutulong ang cinnamon. Ugaliin ang pagi-stock ng cinnamon sticks o powder sa inyong kusina. ©PhilippineOne.com

Maaari ring maglagay ng cinnamon powder sa binalot sa telang pula at saka ilagay sa wallet bilang lucky charm; o magsabit ng ilang piraso ng cinnamon stick sa front door upang ma-attract ang suwerte.

We add copyright messages throughout our articles due to the incredible amount of copyright fraud and theft performed by competing Facebook pages.  Thanks for understanding

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here