Ang Advantages at Disadvantages ng Online Dating

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Sa advancements natin ngayon sa technology, marami na tayong pwedeng gawin na hindi natin nagagawa noon. Sa usapang Internet pa lamang, hindi na natin maitatanggi ang possibilities na mahanap mo na ang true love mo online. Read on.

 

Pero syempre, lahat ng bagay ay may maganda at hinda magandang epekto. Kung ikaw ay isang single na tao at naghahanap ka ng partner online, baka ay dapat mabigyan ka pa ng enlightenment. Basahin ang article na ito para makita mo ang advantages at disadvantages ng online dating.

 

ADVANTAGES

  1. Makikita mo agad ang interests ng kausap mo online through his/her profile

Dahil sa iba-ibang klase ng social media accounts, mas makikilatis mo ang potential partner mo at malalaman mo agad ano ang mga hilig niya through his/her posts. Hindi ka rin mahihirapan na gumawa ng “background investigation” sa kanya dahil readily available ang information online.

 

  1. Makakapag-usap kayo kahit magkalayo kayo

Dahil sa Internet, communication is possible. Hindi kayo mahihirapan dahil may chat, call at video call na pwedeng gawin nang hindi nagbabayad ng mahal na Internet fees. Noon kasi, mahal ang load at bayad sa Internet.

 

  1. Makakapag-invest kayo sa isa’t isa by getting to know each other more, bago kayo maging magkasama

Masaya ang magiging exchange of communication niyo through chat dahil minsan sa chat, mas nakakapag-open ang mga tao.

 

  1. Exciting ang online chatting

Masaya yung idea ng mystery sa inyong dalawa. Hindi mo alam how it will be the next day dahil magkausap palang kayo online.

 

DISADVANTAGES

  1. Hindi mo alam kung totoo ang profile ng ka-chat mo

Marami ang nag-iimbento ng fake account ngayon at hindi mo alam kung siya ba talaga ang kausap mo. Pwede ring siya yung nasa picture pero di mo sigurado kung totoo ba yung sinasabi niyang mga bagay sayo.

 

  1. Iba pa rin yung magkasama kayo at nakikita ang personality ng isa’t isa

Kung nagsimula kayo sa online dating, hindi mo alam kung saan pupunta ang relasyon ninyo dahil hindi mo siya nakakasama. Kung nasa long distance relationship kayo, mas magiging mahirap din dahil magkakaroon ng matinding understanding, loyalty at love.

 

  1. Maaaring maging delikado ito sa seguridad mo

Kung hindi mo pa napapatunayan kung totoo lahat ng sinasabi niya, maaaring maging delikado ang seguridad mo. Uso ngayon ang identity theft at iba iba pang Internet risks, kaya vulnerable ka dito pag pumasok ka sa isang online dating.

 

  1. Hindi ka sigurado kung ikaw lang ang nakakausap niya

Loyalty will always be an issue pagdating sa online dating. It’s another risk you have to take.

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleChinese Horoscope Hulyo 20
Next articleTiktik
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here