Ang 4 sa Pinaka-Sexually Dominant na Zodiac Signs

0
1428

Ang 4 sa Pinaka-Sexually Dominant na Zodiac Signs Ang pangingibabaw o pagkontrol ay bagay na hindi lahat ng tao ay mayroon pagdating sa intimasiya sa bedroom. Sa kabilang banda, mayroon namang mga indibidwal na tila taglay ang dominant gene sa kanilang pagkatao. Sila iyong nais na nagdadala ng barko ng intimacy at lovemaking. Ito ang mga signs na tunay na kilala para sa kanilang sexual dominance at humanda ka sa maligayang gabi kasama sila.

1. ARIES (MARCH 21 APRIL 10)

Ang mga Aries ay kilalang competitive. Sila iyong nais na laging magawa nang mabilis ang mga bagay. Naaakit sila ng mga challenges at recores. Ganoon din ang kanilang personalidad sa higaan. Nais nilang maging agresibo at kung minsan ay medyo rough pa sila. Nais din nila ang mga mapaghamong pisikal na gawain sa bedroom. Kaya huwag masorpresa kung nais nila ang mga weird na posisyon. Kilala rin sila na maingay at wala ka halos magagawa dito.

2. LEO (JULY 23 AUGUST 22)

Sa buhay, ang Leo ay laging natural na leader. Lagi silang naghahanap na i-manage ang malaking grupo ng tao. Magaling sila sa management at communication skills. Kaya naman normal lamang sa kanila na maestablisa ang kontrol sa bedroom. May kumpiyansa sarili at sigurado sila sa kanilang ginagawa. Lagi nilang ipararamdam sa kapareha na alam nila ang kanilang ginagawa. Ang mga Leos ay napakamalikhain kaya naman ang sex kasama sila ay laging exciting. Tapat din silang sabihin kung ano ang nais nila kapag kapiling ka sa higaan.

3. VIRGO (AUGUST 23 SEPTEMBER 22)

Ang Virgo ang wild card sa listahan ito. Sila iyong hindi mo aasahan na magiging sexually dominant. Sa tunay na buhay, sila ay tahimik. Subalit kapag nagkaroon ng pagkakataong makasama sa higaan ang Virgo, makikita mo ang malaking kaibahan nila. Sila ay sobrang mapagbigay at lagi nilang sisiguraduhin na nakapagpapaligaya sila sa kanilang kapareha. Kilala rin silang intuitive sa usapin ng sex. Alam nila kung kailan at saan hahawakan ang ilang bahagi ng katawan ng tao. Ang kanilang kapareha ay laging makararanas ng saya at excitement kapag kasama sila sa bedroom.

4. SCORPIO (OCTOBER 23 NOVEMBER 21)

Ang Scorpi ay nage-exude ng passion at emotion. Sila iyong may ispesipikong goals habang nagsi-sex at hindi sila titigil na makamit ang mga goals na ito. Handa silang ipagkaloob ang buong sarili upang maramdaman ang hindi malilimutang karanasan. Katulad sila ng Virgo sa puntong sila ay mapagbigay. Lagi nilang sinisigurado na napasisiya ang kailang kapareha at ang mga nais nito sa love making ay natutupad at naipagkakaloob nila.

Huwag kang masosorpresa kung gagamit ang Scorpio ng mga tools at toys upang mas maging maganda para sa inyong dalawa ang karanasan. Sadyang sila ay madiskarte sa bagay na ito. Kaya naman huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa at hanapin ang nais na kapareha na nasa isip ang 4 na Zodiac signs na ito. Siguradong masisiyahan kayo at magiging kapana-panabik ang karanasang ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here