ALLERGY 101: Quick Information Guide sa Allergies ng Anak Mo

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ang early identification ng childhood allergies para sa iyong anak ay malaking tulong para sa quality ng kanyang buhay. Dahil dito, mababawasan ang pag-absent niya sa school at mas makakakilos siya nang hindi ka kinakabahan na baka may mangyari sa kanyang masama.

Maraming causes ng allergy ang hindi natin alam. Ang mga “allergens” na sanhi ay maaaring nakakain, nakukuha mula sa kagat o injection, nasisinghot, o di kaya ay ina-absorb ng balat.

Ang mga tipikal na allergen ay pollen na nanggagaling sa mga weed, molds, dahon, alikabok, damo na maaaring napupunta sa bahay ninyo katulad ng kurtina, carpet, sofa, air-conditioning, balakubak, mga hayop, pagkain, venom ng insekto, o di kaya ay sa gamot na pinapainom mo sa kanya. Kapag binasa mo ito, mas maliliwanagan ka sa mga pwede mong gawin at iwasang gawin kapag nagka-allergy ang anak mo.

Ano nga ba ang mga iba’t ibang kondisyon ng allergy?

 

  1. Hika

Maaaring makaroon ng hika ang isang bata kapag exposed siya sa usok ng sigarilyo, pollen, viran infections, dust mites sa carpet, kama, unan, air-conditioning, mga mabalahibong hayop, malamig na panahon, papalit palit na panahon, at stress.

Mapapansin mong umu-ubo, may wheezing, hirap sa paghinga o naninikip ang dibdib ng anak mo kapag may hika siya.

 

  1. Atopic Dermatitis o Eczema

Ang trigger nito ay pawis o labis na tuyong balat, at nagiging malala dahil sa impeksyon. Napapalala ito ng food allergies, hindi hiyang sa anak mo na shampoo, sabon, lotion, oil at iba pa.

Mapapansin mo ito sa balat ng anak mo na tila tuyo at kumakapal na patch. Maaari ding namumula ito na umiitim paglaon, at may pangangati na nagtutubig na pantal. Madalas na nasa balat lamang ito: sa anit, braso, likod, at madalas ay kumakalat din. Kailangan mo din malaman na ang eczema ay namamana.

 

  1. Anaphylaxis

Isa itong malalang allergic reaction na life-threatening kapag hindi naagapan. Ang common na anaphylactic reactions ay sa pagkain, insect stings at medications. Kapag allergic ang anak mo sa isang substance, ang immune system mo ay nag-ooverreact sa allergens na binanggit sa pamamagitan ng pag-release ng chemicals na nagko-cause ng allergy symptoms.

  1. Contact Dermatitis o Rashes

Ang contact dermatitis ay isang red, itchy rash na dulot ng direktang kontak sa isang substansiya o isang allergic reaction dito. Ang pantal ay hindi nakakahawa o nagbabanta sa buhay, ngunit maaari itong maging lubhang hindi komportable.

 

Paano maiiwasan ang allergy?

  • Dapat ay alam mo at kilala mo ang katawan ng anak mo. Maging alerto ka sa pagpansin ng mga sintomas, lalo na sa impeksiyon na madaling makuha ng anak mo. Kung makakita ng pantal, pagtutubig, o pamumula sa balat, labis na pangangati, o anumang sintomas, ikunsulta na ito agad sa doktor.
  • Kapag may nakita kang kahit anong sintomas sa anak mo, kumunsulta sa doktor (allergist o allergologist) o pediatrician, para mabigyan ang bata ng ligtas at epektibong gamot.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articleTanong mo Sagot ko June 6
Next articleChinese Horoscope June 7
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here