Alin Ang Wagi Sa Puso Ng Masa, Istorya sa Libro O Tv Series?

Ang mga istoryang nagagawa ng mga manunulat sa kanilang libro ay talaga namang damang-dama natin. Para naman kasi tayong napupunta sa ibang mundo kapag nagsimula na nating basahin ang kanilang gawa. Kahit kasi wala tayo sa lugar na pinangyayarihan ng eksena ay mistulan pa rin tayong sumusulpot sa estrangherong lugar na iyon tapos ay para na rin tayong nanonood sa kanila.

Bukod sa lalawak ang ating imahinasyon, ay magagawa pa nating balikan at damhin ang bawat katagang at mga paborito nating eksena na walang kahirap-hirap.Tapos sa libro ay magagawa a nating makita na ang mga imposibleng lugar at pangyayari ay nagkakatotoo. Ang kailangan lang talaga ay magkaroon ka ng malawak na imahinasyon para magawa ka ring makumbinsi na ang mga nakasulat sa libro ay isa ring katotohanan.

Samantalang sa tv series naman ay kailangan mong tumutok para ang bawat detalye ay magawa mong makita at mapakinggan. Mas madating pa dahil sa mga sound effects at cinematography kaya din parang tinatambol ang iyong dibdib sa mga pananabik. Saka, hindi mo lang makikita ang nangyayari talaga kundi nakikita. Nagagawa mo pang hangaan ang mga artistang nagsisiganap lalo na kung talagang magagaling na artista.

Ang masamang epekto nga lang ng panonood ng tv ng labis ay ang pagdating ng puntong ang mga artistang nagsisigana ay itinuturing ng tauhan ng bawat mamayang Piliino. Jaya naman kaag may artistang kumakalaban sa kanilang hinahangaan ay kanilang inaaway at may agkakataon na kahit na ang hinahangaan nila ang nagkamali ay pilit pa rin nilang ipinaglalaban.

O, sabihin mo, ginagawa mo ito o may kilala kang gumagawa nito? Maaari ninyong ibahagi sa aming comment secrion para maganda ang usapan.

Sa kagustuhan ko rin malaman kung ano nga ba ang ang mas matimbang sa puso ng mamamayan ay nagsagawa ako ng survt, via online kung Alin Ang Wagi Sa Puso Ng Masa, Istorya sa Libro O Tv Series

“Sa libro kasi kapag nagbabasa ka pwede mo ma-imagine ang mga kaganapan o hitsura at saka di gaanong nakakatakot. sa TV kasi nagugulat ako sa mga effects, eh.” Elvie

“Book. Mas feel kasi ‘yun andoon ang kumpletong sumusuportang detalye  at may wakas kapag sa TV series ang tagal.”  — Joanne

Para sa akin, story reading is better than TV series.  Pwede kasi itiklop muna ang libro pero ‘yung tv, hindi kontrolado ng nanonood.”  — Edmar

TV series, feeling ko lang mas invested ang tao sa series kasi pag nanonood ka di na kailangan mag-imagine unlike sa libro.” — Andie

TV series. I don’t read books.” — Denmark

“Napanood sa TV kasi di ako mahilig magbasa.” Mae

“Ako mas gusto ko ‘yung napapanood kasi may kasama nang acting, eh.” Janiz

“Dahil hindi na mahilig magbasa ang mga tao ngayon unfortunately.”.Fatima

“May tv ako wala ako libro.”Jonathan

“TV, mas hilig ko manood “Roberto

“Mas gusto ko siyempre ang libro, ang ganda kasi talagang basahin at namnamin ang bawat eksena. Para ring hinahaplos ang puso ko, damang-dama ko ang bawat sabihin ng mga bida sa isa’t isa  kaya talagang nakakaiyak. Sa tv series kasi kung di naman magaling ang artista, hindi ka makakaiyak kahit napakaseryoso ng eksena.” — Patriz

Nakakatuwang isipin na marami pa ring tao ang mas gustong magbasa ng libro at talagang napapako sa panonood ng tv. Ibig sabihin, sa kahit na anong medium ay swak sa readers kaya naman may mga librong ginagawang tv series tulad na lang ng Midnight Phantom at Kristine Series  ni Martha Cecilia, nandiyan din ang Bud Brothers ni Rose Tan. Kapwa tinangkilik ng mambabasa kaya naman minahal din sila ng ng kanilang mga televiewers.

Iyon nga lang, hindi maaaring lahat ng nakalagay sa libro ay magagawang kopyahin sa tv series dahil nga sa iba’t ibang dahilan — hindi kayang gawin ng tunay na artista ang isang stunt o kaya naman ay walang budget para sa magarbong presntation. Gayunpaman,hindi naman masasabing nagiging bakyang-bakya ang palabas. Dahil kundi wala mang budget para sa bonggang island ay tiyak na babawiin sa kakaibang presentasyon kung saan ang mga viewers ay talagang kikiligin

Kaya siguro, walang mananalo kapag nagtanungan na kung alin ang mas maganda, ang tv series o ang nobela dahil lahat ng tao ay may kanya-kanyang opinyon na hindi rin natin mababalewala. Ang importante ay magawa nating igalang ang anumang gusto ng isang tao. Mapa-libro man o mapa-teleserye.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here