ALARMING NEWS: 32 Pilipino ang positibo sa HIV-AIDS Araw-Araw

1697

Sinabi ng The Philippine National AIDS Council na kung hindi magagawan ng agarang aksyon at prevention, isang-kapat sa milyong Pilipino ang magkakaroon ng HIV-AIDS sa 2030. Ayon sa current trends, sabi ni Dr. Joselito Feliciano, ang direktor ng Philippine AIDS Council (PNAC) na majority ng new infections ay nakukuha ng teenagers at young adults aged 15-24 years old.

Ayon kay Dr. Feliciano, estima ng PNAC na tataas ng 265,000 ang HIV/AIDS cases sa Pilipinas sa susunod na dekada kung hindi magawan ng paraan ng gobyerno at mga indibidwal ang growing epidemic. Idinagdag din niya na ngayong 2018, 32 tao ay nagkakaroon ng HIV/AIDS kada araw. Ang figures na ito base sa 2 cases na nireport noong 2008, 13 noong 2013 at 22 noong 2015.

Sa pakikipag-usap sa isang forum ng mga mamamahayag sa kalusugan, sinabi ni Feliciano na karamihan sa mga bagong impeksyon ay kabilang sa mga 25 hanggang 39 taong gulang.

Nakaka-alarma na sinabi ng DOH na ang Pilipinas ay isa sa may ‘pinakamabilis na lumalagong’ epidemya ng HIV sa mundo na may 57,134 na mga kaso na naitala mula Enero 1984 hanggang Hulyo 2018.

Sinabi din ni Feliciano na karamihan sa mga bagong kaso ay ang mga impeksiyon ng HIV ay transmitted sexually. Ito ang nanguna sa bilang ng mga kaso kumpara sa ibang paraan ng pagkuha ng impeksiyon tulad ng pagbabahagi ng mga kontaminadong karayom ​​o mula sa kapanganakan kung ang isang ina ay mahawaan ng HIV.

HIDDEN CASES: Gayunpaman, ang bilang ng mga taong may HIV-AIDS ay maaaring mas mataas, ayon kay Feliciano, dahil ang kasalukuyang data ay nagpakita lamang ng mga indibidwal na na-test sa mga health centers.

Noong July 2018, 859 new cases ang na-record ng PNAC. Majority nito ay cases mula sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon. Ito ay mula sa mga lalakeng nakipag-sex din sa mga lalake.

Sinabi ni Feliciano na ang mga impeksiyon ay hindi lamang sumasakop sa mga gay na lalaki, kundi pati na rin ang sinumang lalaki na nakikipagtalik sa ibang lalaki sa anumang dahilan, ay maaaring nasa panganib.

Bukod dito, ang mga access sa at ang paggamit ng condom ay hamon din. Ang DOH ay nagbigay ng diin na ang “tama at pare-pareho” na paggamit ng condom ay nakakasigurado ng ligtas na sex at maaaring makaiwas sa pagkakaroon ng HIV-AIDS.

Ayon sa 2015 Integrated HIV Behavioral Serologic Surveillance ng DOH, 60% ng respondents aged 15-17 years old ay hindi madaling makakuha ng condoms sa kanilang community. Yun din ang kaso sa kalahati ng repondents aged 18-24 years old, at 40% noon ay 25 years at mas matanda. Marami din nagsabi na hindi sila nakabili at nakatanggap ng condoms dahil na rin sa stigma ng issue.

“Yung iba kahit gusto nila mag condom, kahit may pambili sila, nahihiya sila kasi yung culture ng Pinoy. Nahihiya sila bumili sa 7/11. Kaya nga ngayon siyempre controversial yung condom, hindi basta basta makapag gawa access for condoms,” ayon kay Feliciano.

Ngunit kahit ganito, payo pa rin ng departamento ng kalusugan na magpatingin agad at magpa-test sa HIV-AIDS lalo kung sila ay gumamit ng karayom na hindi sila sigurado kung malinis at kung sila ay nakikipagtalik madalas.

Ayon din kay Feliciano na ang mga taong may HIV ay maaaring mukhang malusog, pero HIV testing pa rin ang sagot para malaman kung may sakit nga sila.

Ang HIV-AIDS ay isang practice, isang behavior, na hindi basta basta mawawala sa isang iglap. Dapat ay ulit-ulitin natin ang tamang impormasyon sa mga tao para hindi sila mangmang sa kung paano magkaroon at maiwasan ang sakit na ito.

Ang testing ay importante dahil mas mabibigyan ng treatment ang meron nito. May libreng medicines na available sa DOH na tinatawag na antiretroviral therapy at makakatulong ito para humaba ang buhay nila at mabuhay sila ng malusog. Kailangan natin i-encourage ang mga tao para ma-test sila, malaman ang status nila at suportahan sila all the way.

Tamang impormasyon dapat ang binibigay tungkol sa infection para mabawasan din ang stigma laban sa HIV/AIDS.

SHARE
Previous articleDream Interpretation Online 277: Ang Sikreto ng iyong Panaginip
Next articleKaraoke November 2018 CONTESTANTS – page 5
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

1 COMMENT

  1. Jefferson Suner Lizardo

    GREAT READ. Hopefully many will read this for awareness

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here