ALAMIN KUNG ISA KANG RIGHT-BRAINED PERSON

0
439

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Narinig na ba ninyo ang labeling o branding na left-brained at right-brained person? Sinasabi na ang mga left-brained person ay mga lohikal at mahusay sa problem-solving, partikular na sa mga numero, samantalang yaong mga right-brained person ay may mahusay na intuition, emosyonal, at malikhain pagdating sa art.

          Pinasimulan ng Nobel-Prize winner Roger W. Sperry noong 1980 ang right-brain/left-brain theory matapos niyang matuklasan na ang utak ay may mahabang hati sa gitna na siyang nagku-konekta sa dalawang bahagi o hemisphere ng utak.

          Ngunit, taliwas sa popular na paniniwala, ang utak ay hindi literal na nahahati sa dalawang bahagi o sphere. Sa halip, ang Neocortex ang siyang bumubuo sa ikatlong bahagi ng kabuuang mass ng utak. Samakatuwid, ang left-brain/right-brain analogy ay eksplanasyon lamang ng activity o kaganapan sa Neocortex.

          Narito ang tatlong palatandaan kung ang isang tao ay matatawag na right-brained person.

  1. Mahusay niyang naipapakita ang kaniyang emosyon sa pagguhit. Ang mga right-brained person ay may malakas na creating visuals. Mabilis mag-register sa kanilang utak ang mga kulay, textures, linya, at iba pang detalye ng mga bagay sa paligid; at ito ay kanilang naita-transfer sa pamamagitan ng pagguhit at pagpipinta.
  • Mas mahusay sila sa mga open-ended questions kaysa mga multiple choices. Mas gusto ng mga right-brained person ang mga tanong na pagmumulan ng panibagong diskusyon. Ibig nila na ma-stimulate ang kanilang reasoning skills.
  • Sila ay may malakas na intuition. Nakikita ng mga right-brained person ang mas malaking picture ng kaganapan. Sila ay mga holistic thinkers. Nakakabasa sila ng mga hint o cue sa kilos at pananalita ng mga tao.

Ang pagiging right-brained person ay tunay na may kapakinabangan. Maaari kang makapili ng mga career na tutugma sa iyong mga natatanging kakayahan at kung saan maipapamalas ang pagiging malikhain.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here