Alamin ang Sagot: Why Do Opposites Attract?

0
46

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Minsan ba naisip mo bakit mas nama-magnet sa isa’t isa ang dalawang taong magka-ibang magka-iba? May mga rason ba behind this? Kung gusto mong malaman, read on.

Kung nakikita mo ang sarili mo sa isang relasyon na magka-ibang magka-iba kayo at hindi mo alam kung tatagal ba kayo, marami ang magsasabing “oo magtatagal kayo”. Kailangan mo lamang magtiwala sa relasyon ninyo dahil marami ang taong nagkakasundo talaga kapag magka-iba sila ng partner nila. Ito ang mga rason ng mga taong nasa isang relasyon na opposite sila ng partner nila, basahin at matuto.

  1. Mas exciting ang lahat dahil palaging may bago

Hindi ninyo iisiping magiging boring ang relasyon ninyo dahil laging may bago sa partner ninyo na matututunan ninyo. Kung adventurous ang partner mo at ikaw naman ay isang home buddy, magiging exciting ang buhay ninyo dahil mata-try ninyo ang hobbies ng bawat isa. Basta’t gusto mong mag-work ang relationship mo, anything is possible. Kung ayaw mo naman mag-try out ng mga bagay na bago, boring talaga ang kalalabasan ninyo.

  1. Matututunan ninyong maging pasensyoso sa isa’t isa

Dahil alam mo na ang ugali at interests ng partner mo, mas makikita mo ang perspective niya sa mga bagay-bagay. Matututunan mo rin silyang respetuhin at bigyan ng pasensya kahit magka-iba kayo. Hindi ka magiging padalos dalos sa mga salita mo dahil kilala mo na siya.

  1. Mas hindi kayo mag-aaway, dahil sa relasyon ninyo, matututunan ninyong mahalin ang pagkaka-iba ng isa’t isa

Mas yayakapin ninyo ang pagkaka-iba ninyo sa ganitong klaseng relasyon. Minsan kapag kaparehas na kaparehas mo ang partner mo, medyo boring din at problema din na lagi kayong nag-aagree sa isa’t isa. Maganda rin ang problema at conflict para mas makilala ninyo ang isa’t isa.

  1. Mas nagkakaintindihan kayo at sensitive sa pagkaka-iba ninyo

Kapag pareho kayo, go with the flow lang lagi dahil alam ninyong parehas na parehas kayo. Kapag magka-iba kayo, mas maingat kayo sa isa’t isa and it makes it more special dahil hindi kayo sobrang kampante sa isa’t isa. Exciting ito at nakakadagdag ng spice sa relationship ninyo. May mystery din, if you’ll ask me.

  1. Mapipilitan kayong maging communicative

Dahil magka-iba kayo, mas mag-uusap kayo sa mga do’s and dont’s ninyo sa buhay. Dahil sa communication, mas magiging close pa kayo at mas mamahalin ninyo ang sarili ninyo dahil hindi ninyo kelangan ng mga mental wars at pag-aaway.

  1. Makikita mo rin ang other side ng sarili mo dahil sa partner mo

Matututunan mo rin makilala pa lalo ang sarili mo at mga bagay na di mo pa nagagawa noon. Dati kasi, sanay ka lang sa familiar side ng sarili mo. Dahil sa partner mo, may mga bagay ka na mata-try at hindi malalaman.

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here