ALAMIN ANG MAGIGING SANHI NG KAMATAYAN SA PAGTINGIN SA IYONG PALAD

0
1853

Maraming technique na magagamit upang alamin ang magiging kapalaran. Isa sa pinaka-popular at pinakamatandang kaparaanan ay ang palm reading.

        Alinsunod sa prinsipyo ng palm reading, ang mga linya sa ating palad ay nagsasaad ng ilang pahiwatig o hint sa magiging takbo ng ating buhay…at maging ng paraan ng ating kamatayan!

        Paano nga ba aalamin ang magiging sanhi ng ating kamatayan sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa palad?

        Una ay tuntunin muna ang fate line ng kanang palad. Tingnan ang larawan.

Upang malaman kung isang malubhang karamdaman ang magiging sanhi ng iyong kamatayan, tingnan lamang ang mga maliliit na linya o ridges sa palad. Ito ay mistulang fingerprint na nasa gilid o bingit ng fate line. Tuntunin ang pangunahing linya (major line) at hanapin ang mga maliliit na linya. Kung makikita mo na ang mga linya ay unti-unting lumalabo o nawawala, nangangahulugan ito na ikaw ay mamamatay sa isang malubhang sakit.

Upang alamin  naman kung sa isang aksidente ka mamamatay, tingnan ang palad kung ito ay may malalim at pahalang na linya o mga tuldok-tuldok na may pahalang na guhit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here