ALAMIN: ANG KAHULUGAN NANG NAMATAY KA SA IYONG PANAGINIP

0
1227

Ang panaginip ay normal na proseso na pinagdaraanan ng ating utak habang tayo ay natutulog.

          Bakit nga ba tayo nananaginip? Alamin ito sa article na aking naisulat. I-click lamang ang link: https://philippineone.com/kapangyarihan-mayo-1-bakit-tayo-nananaginip/

          Sa Psychology, ang mga bagay at simbolo na nakikita sa panaginip ay manifestation ng mga inner desires na hindi maibulalas sa waking life.

          Ang katotohanan, ilan sa mga panaginip ay wala naman talagang malalim na pakahulugan. Maaaring nakapanood tayo ng isang intense movie na tumatak sa ating utak kaya naman nag-replay ito sa ating subconscious mind sa anyo ng dream sequence. Ang ilan din sa ating mga panaginip ay maaaring bunga lamang ng samu’t-saring kaisipan na nagkahalo-halo at nag-manifest bilang panaginip.

          Gayunpaman, hindi maitatanggi na karamihan sa ating mga panaginip ay may higit na malalim  na pakahulugan sa alinmang aspeto ng ating buhay.

          Ilan sa mga disturbing dreams na nararanasan ng karamihan ay ang namatay sila mismo sa kanilang panaginip.

          Ang kamatayan sa panaginip ay hindi dapat katakutan.

          Ito ay nangangahulugan ng bagong simula o kabanata sa buhay.

          Maaaring ding ito ay metaphor nang pagkamatay ng ating lumang pagkatao, at pagsilang ng mga bagong ideya, kaisipan, at pag-asa.

          Ang kamatayan ay nangangahulugan ng pagbabago ng frequency ng ating enerhiya. Samakatuwid, ang kamatayan sa panaginip ay isang simbolismo na tayo ay daraan sa transition period o yugto ng pagbabago.

          Gayunpaman, tandaan na lahat ng tao ay may kani-kanilang specific mindsets. Ang ating mga kaugalian at paniniwala ay repleksiyon ng kultura ng lipunan na ating pinagmulan at kinalakihan. Samakatuwid, ang pagbibigay pakahulugan sa panaginip ay maaaring magkaiba-iba. May ilang naniniwala na ang kamatayan sa panaginip ay isang uri ng babala o premonition ng paparating na panganib.

          Ang pagbasa ng panaginip ay magagawa ng kahit na sino. Makatutulong ang regular na pagtatala ng mga panaginip sa iyong dream journal. Dito marerebisa ang mga uri ng panaginip na bumisita sa iyo. Makakatulong rin ang pagtingin sa ilang dream book na nagbibigay kahulugan sa ilang specific symbols sa panaginip. Mapagtutugma mo ang mga simbolong nakikita mo sa iyong panaginip sa karaniwang senaryong nagaganap sa iyong buhay.

          Alamin ang 12 karaniwang panaginip na may malalim na kahulugan at impact sa buhay. I-click lamang ang link: https://philippineone.com/ang-12-dream-symbols/

          Ang wastong pagbabasa sa panaginip ay makatutulong upang makakuha ka ng mga mahahalagang impormasyon na magagamit mo sa iyong waking life.

          Sweet dreams!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here