Alamin ang epekto ng Dengvaxia sa mga ‘di pa na-dengue

0
88

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Sa nakalipas na mga araw ay laman ng mga social media sites ang hashtag na #DengGate na pinupulaan ang  kapabayaan ng nakaraang administrasyon ng hayaan at payagan nito na bumili ang Pilipinas ng 3.5 bilyong pisong  halaga ng vaccine laban sa dengue noong 2016. 

Ang nasabing vaccine ay tinatawag na Dengvaxia na gawa ng pharmaceutical company na Sanofi ay sinasabing delikado para sa mga batang naturukan na, ngunit, hindi pa nakakaranas na magka-dengue. 

Matatandaang mahigit sa 700,000 na mga bata na ang naturukan ng nasabing vaccine at humigit kumulang sa 70,000 sa mga ito ay hindi pa nagkaka-dengue.  

“For those not previously infected by dengue virus, however, the analysis found that in the longer term, more cases of severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection.” Ito ang statement ng Sanofi hinggil sa nasabing vaccine. 

At upang mas maunawaan ang epekto ng vaccine na Dengvaxia ay narito ang mas malinaw na pagpapaliwanag mula kay RJ Nieto (thinkingpinoy.net): 

“Suppose we have a 4th grader who has never been infected with dengue receives Dengvaxia. If that child gets infected for the first time, that child will suffer from severe dengue instead of just regular dengue.” 

Ibig sabihin lamang nito ay tila mas mabuti pang hindi na lamang pinaturukan ang bata ng nasabing vaccine dahil maaaring regular dengue lamang ang dumapo sa kanya na mas madaling agapan at gamutin.  Ngunit, kapag naturukan na siya ng Dengvaxia at matapos ang 30 buwan o mahigit dalawang taon ay mas malaki ang tsansa na kapag dinapuan siya ng dengue ay severe ito. 

Ayon pa kay Nieto, napakaraming babala ang nilalaman ng March 17, 2016 WHO (World Health Organization) guidelines na tila hindi binigyang pansin ng dating Department of Health (DOH) Secretary Janette loreto Garin. 

“There is a theoretical possibility that vaccination may be ineffective or may even increase risk of hospitalized and severe dengue in those who are seronegative at the time of first vaccination, regardless of age. However, there are few trial data available on older (aged 9 and up) seronegative (absence of virus in a subject’s bloodstream) participants to address this.” (www.who.int/immunization/sage/meetings) 

Kaya naman ng muling maglabas ang Sanofi ng bago nilang clinical data analysis ay mabilis na ipinatigil ng gobyerno ang pagpapa-vaccine ng Dengvaxia. 

“In the light of this new analysis, the DOH will place the dengue vaccination program on hold while review and consultation are ongoing with experts and key stakeholders and the WHO.” Ito ang saad ni Health Secretary Francisco Duque III sa media briefing noong nakaraang Byernes. 

Dahil na rin dito ay hindi maiwasan ng maraming mga magulang na matakot at mangamba para sa kapakanan ng kanilang mga anak na nabigyan ng nasabing vaccine. 

Kahit pa nga kalagitnaan pa ng 2018 matatapos ang effectivity ng nasabing vaccine ay hindi pa rin maiwasan ng marami nating kababayan ang mabahala para sa kaligtasan ng kanilang mga anak at mga kaanak. 

Kung pakaiisiping mabuti ay hindi masama na hangarin natin na magkaroon ng prevention laban sa dengue na maituturing na isa sa pinakadelikadong sakit lalo pa sa ating mga kabataan. Ngunit, sana ay masusing pagsasaliksik at analysis muna ang ginawa ng Administrasyong Aquino. Sana rin  ay pinakinggan ang babala ng iba’t ibang health organizations ng nakaraang taon, disin sana ay hindi ito nangyayari sa ngayon. Imbes tuloy na TUWID NA DAAN ang tungo natin ay parang napunta pa tayo sa DELIKADONG DAAN.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here