Ako ay isang Porn Addict

0
114

Una kong nalaman ang porn noong 8 years old pa lang ako. Noon, iba pa ang paraan para makapanuod ng porn. Kailangan mo bumili ng piratang dvd, o kaya ay mag abang abang sa Cinema One kung may medyo malalaswang palabas. Kung wala talaga, yung mga magasin (hello, FHM!) na nakatago sa bahay ang pinupuslit ko sa banyo.

Ang paborito kong pagtyagaan ay yung mga bastos na gif noon sa mga de-keypad na cellphone (naaalala nyo ba yung spiderman-mary jane sex gif?). Bago pa lang nun ang colored phone, at yun pa ang depinisyon namin ng high tech.

Hanggang sa sumikat na ang internet, at kasama nito ang unlimited supply ng porn sites.

Bilang bata, nagsimula ako sa hentai. Normal lang naman na magsimula sa category na ‘to. Harmless na panunuod ng mga cute na anime character, at dahan dahang naiintriga sa anatomy ng kababaihan. Censored pa nun ang animation, hindi ganun kalala kumpara sa ngayon kung saan may Rule 34 (kahit anong abot ng imahinasyon mo ay may porn version).

Hanggang sa ang mga kaklase at kaibigan ko ay nagsisimula na ring mamulat sa porn. Minsan, pupunta kami sa bahay ng burgis na kaklaseng may computer at internet para manuod ng mga alam mo na. Sa computer shop, nagtatago kami para makasulyap sulyap ng porn. Madalas, mayroon kaming koleksyon sa aming cellphone at nagpapasahan ng video. Syempre, nakatago yun sa daan daang folders para hindi mahanap ni nanay o mga chismosang kaklase.

Ganun lang naman ako namulat sa porn. Hindi ko inaasahan na aabot pala sa panahon na hahanaphanapin ko ito.

Mula sa inosenteng hentai, nagsimula akong humanap ng mga mas intense na category. Porn stars. Blacked. DP. Petite. Bukkake. Gangbang. Incest. Spanking. BDSM. Softcore. Hardcore. May mga illegal ring klase akong napanuod, na syempre hindi ko na sasabihin dito.

Habang tumatanda, karamihan sa kalalahikan ay nawawalan na rin ng masyadong interest sa porn. Bukod sa mas naging open na ang Pilipinas dito, naging madali na rin itong makuha lalo pa at mas dumami ang sources sa internet at puwede mo na ito panuorin sa kahit anong klase ng teknolohiya. Ang mga kaedad ko ay mayroon nang mga girlfriend at asawa, at lumipat na ang kanilang interest mula sa porn papunta sa sex. Syempre, nanunuod pa rin sila, pero hindi tulad ng tindi ng panunuod ko nito.

Umabot sa punto kung saan kahit hindi naman ako nalilibugan ay nanunuod ako ng porn. Araw araw. Halos oras oras. Kahit nasa trabaho. Kahit nasa byahe. Ang laman ng cellphone ko ay puro porn – videos, pictures, maging stories. Ang search history ko ay kelangan bendisyunan na ng pari. Araw araw, porn lang ang nasa isip ko.

Hanggang sa umabot sa punto na hindi na ako tinatayuan kahit gaano karaming porn ang panuorin ko. Hindi ko na siya ginagawa para magparaos, kundi para lamang manuod. Binibinge watch ko sya kaya ng pag binge watch ng tv series sa Netflix. Hindi ako interesado sa mga babae sa paligid, dahil mas gusto kong tumingin ng porn stars kaysa humanap ng girlfriend. Ang sex ay hindi kasing sarap ng panunuod ng porn… sa katunayan, medyo disappointing lang ang sex para sa akin. Ang mga tunay na babae ay hindi gumagalaw at tamad kumpara sa mga babae sa porn. Halos mga walang imagination at ayaw subukan ang mga bagong bagay. Kapag sinasabi ko naman yung gusto ko, nandidiri sila o ayaw nilang gawin. Syempre, hindi ko naman pwede pilitin diba? Kaya naman mas pinipili ko nalang mag sariling sikap habang nanonood.

Nang i-ban ni Duterte ang porn sites, halos mag mental breakdown ako. Agad ako kumuha ng VPN subscription para lang masigurado na mayroon akong access sa lahat ng websites. Mayroon din akong membership sa mga exclusive porn site, at nasubukan na ring magbayad sa mangilanngilan na cam girls at streaming couples. May fake accounts ako sa lahat ng social media na naka follow sa erotic accounts na mahahanap ko. Nagbabasa ako maging mga erotic fanfiction, at suki rin ako ng torrent pagdating sa porn.

Syempre, hindi madali maging isang porn addict. Una sa lahat, ang lahat ng klase ng porn ay illegal dito sa Pilipinas. Hindi naman ito minomonitor masyado maliban na lang kung child porn o bestiality ang pinapanuod mo. Pero siyempre, kailangan ko pa rin mag ingat para walang makaalam sa hilig ko lalo na sa trabaho. Ikalawa, gaya nga ng sinabi ko, nawalan na ako ng gana sa relasyon at sex. Mahirap gustuhin ang tunay na sex lalo na at hindi ko naman nakukuha yung mga sitwasyon na gusto ko. Sabi nga ng ex-girlfriend ko, delusyunal daw ako sa pag-iisip na ginagawa ng mga normal na babae ang mga ginagawa ng porn star (pero, pwede naman di ba?).

Minsan, iniisip ko kung pwede bang mag porn star nalang ako, pero parang hindi qualified si junjun… Hindi ko na alam ang gagawin. Aminado naman ako sa obsesyon na ito, pero hindi ko alam kung dapat ba ako magpatingin sa doktor? Para saakin, wala namang nasasaktan sa panunuod ng porn. Hindi ko rin ito ikinahihiya, ang akin lang ay posibleng mag-iba ang tingin ng mga tao kung malaman nila ang tungkol dito. Ano ba ang pwede ko gawin? 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here