Ai-Ai Delas Alas: Ang Matulunging Puso ng Comedy Queen

1115

Si Maria Eileen Hernandez delas Alas na mas kilala sa pangalang Ai-Ai delas Alas ay ipinanganak noong November 11, 1964 kina Rosendo delas Alas at Gregoria Hernandez delas Alas pero inampon siya ng tiyahing si Justa delas Alas. Nakatapos siya ng Mass Communications degree mula sa Far Eastern University noong 1995.

Nagsimula ang career ni Ai-Ai sa GMA Network noong 1991 bilang host ng Saturday late-night musical variety show nina Dawn Zulueta at Ariel Ureta na RSVP. Nag-co-host din siya sa GMA noontime shows na Lunch Date, SST: Salo-Salo Together at Eat Bulaga. Naging miyembro rin siya ng mga sitcoms na Ibang Klase at 1 For 3.

Lumabas si Ai-Ai sa maraming pelikula, ang ilan sa mga ito ay ang blockbuster hit na Tanging Ina na ipinroduce ng Star Cinema. Nasundan pa ito ng mga comedy films tulad ng Volta kung saan ay gumanap siyang superhero. Naging host din si Ai-Ai ng noontime show na MTB: Ang Saya-Saya kung saan siya ay isa sa mga lead hosts. Gumanap din siya bilang ina ni Dorina sa TV remake ng Bituing Walang Ningning.

Nag-release rin siya ng album sa ilalim ng Star Records na may titulong Ang Tanging Ina Nyo na mayroong anim na novelty tunes.

Makalipas ang halos dalawang dekadang pagtatrabaho sa bakuran ng ABS-CBN, nagdesisyon si Ai-Ai na lumipat sa GMA Network kung saan siya pumirma ng two-year exclusive contract. Ang kanyang pagbabalik ay ipinagdiwang sa Sunday-noontime show na Sunday All Stars kung saan siya ay mainit na tinanggap bilang bagong Kapuso. Para sa kanyang unang project isinama siya sa cast ng Let The Love Begin kung saan gumanap siya bilang ina ni Ruru Madrid.

Isa rin si Ai-Ai sa main hosts ng Sunday afternoon comedy variety show na Sunday PinaSaya. Nakasama rin niya sina Joey de Leon, Lolit Solis at Ricky Lo sa celebrity talkshow na CelebriTV.

Matapos ang matagumpay na Enteng ng Ina Mo kasama si Vic Sotto noong 2011, nagsama ulit ang dalawa sa My Bebe Love.

Kahit pa nasa public eye si Ai-Ai sa loob ng maraming taon, may mga ilang bagay pa ring hindi alam ang publiko tungkol sa kanya tulad na lamang ng tradisyon na ginagawa niya kasama ang mga anak tuwing pasko. Sa huling labingpitong taon, tahimik na ipinagdiriwang pamilya ang kanilang Christmas mornings sa Missionaries of Charity sa Tondo. May dala silang mga regalo, pagkain. Nagho-host din sila ng Christmas program para sa mga bata at matatanda.

Naniniwala kasi si Ai-Ai na ang lahat ng tao ay may purpose. Na kaya siya naging isang artista at nakaluwag-luwag sa buhay ay para mai-share niya ang kanyang blessings sa ibang tao. Naniniwala siyang iyon ang calling niya.

Nag-donate din si Ai-Ai ng malaking halaga sa orphanage noong 2009 matapos makatanggap ng bonus mula sa ABS-CBN management nang maging matagumpay ang kanyang pelikulang Ang Tanging Pamilya.

Patuloy pa rin ang pagtulong ni Ai-Ai sa mga nangangailangan dahil naniniwala siyang mabuting ibahagi ang blessings na kanyang natatanggap.

 

 

 

SOURCES (ARTICLE):

https://en.wikipedia.org/wiki/Ai-Ai_delas_Alas

http://www.gmanetwork.com/news/showbiz/content/606547/aiai-delas-alas-aktibo-sa-charity-projects-para-sa-simbahan/story/

https://www.spot.ph/entertainment/entertainment-peopleparties/46009/10-most-charitable-filipino-celebrities

 

SOURCES (IMAGE):

https://en.wikipedia.org/wiki/Ai-Ai_delas_Alas

https://philnews.ph/2017/08/12/ai-ai-delas-alas-reveals-real-attitude-children-home/

SHARE
Previous articleHindi pinasahod ng isang kinsenas kaya asin ang inuulam
Next articleKRITIKAL
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here