ADOLF HITLER, NAGTANGKANG GUMAWA NG ‘ARMY OF TALKING DOGS’

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Sa kanyang bagong libro na Amazing Dogs: ‘A Cabinet of Canine Curiosities’, ang historian sa Cardiff University na si Jan Bondeson ay inilahad ang isa mga lihim sa likod ng Nazi’s Project. Aniya, bigo ang mga Nazi’s na gumawa ng isang breed ng mga army of educated dogs na maaaring makapagbasa, makapagsulat, at makapagsalita.

Noong taong 1920, ang Alemanya ay may mga ilang bagong animal psychologist, na naniniwalang ang mga aso ay maaaring maging mas matalino gaya ng tao, may kakayahang magpasya at makipagtalastasan ng mas higit sa kanilang ginagawa. Nagtangka ang mga bataan ni Hitler na gawin ang proyektong ito sa isang concentration camps.

Ayon pa sa nakasaad sa naturang libro, ang mga aghamista na miyembro ng Nazi ay naglalayung makalikha sila ng uri o breed ng mga aso na makakatuwang ng German troops at gawing mga SS officers upang magbantay sa concentration camps at magtiktik sa galaw ng mga kalaban. Upang mailabas ang gayung potensiyal na kakayahan ng mga aso, nag set-up si Hitler ng Tier- Sprechchule o Animal Talking School o ASRA (School for Dog-Human Communication) sa bayan ng Leutenberg malapit sa Hanover at pinapadala roon ang mga aso sa buong Alemanya upang turuan.

Sinabi ng mga guro noon sa naturang dog school na maganda ang resulta ng naturang kampanya upang turuan ang mga aso. May mga bagay sila na natuklasan sa mga nakatagong kakayahan ng naturang hayop. Ang Airedale terrier na si Rolf ay nagging mythic figure ng naturang proyekto pagkatapos na ipahayag ng mga guro na siya ay nakakapagsulat ng mga letra sa pamamagitan ng kanyang paa. Natuto rin ito ng mga wikang banyaga at nakakapagsalita ng malinaw sa pangungusap na: “Can you wag your tail?” Nagsasalaysay din ito ng tungkol sa relihiyon at marunong din sa Matematika.

Subalit, ang kakatwang ipnihayag ng kanyang mga German masters na si Rolf ay nagsabing magsisilbi siya sa German army dahil ayaw niya sa mga Pranses. Isa pa, kumakahol ng Mein Fuhrer ang aso kapag binabangit niya si Hitler. Ang aso namang si Don, isang German pointer, ay sinasabing nakokopya ang boses ng tao kapag kumakahol. Halimbawa ng mga lumalabas na salita sa kanyang pagkahol ay “Hungry! Give me cakes!” Sinasabing siya ang paboritong aso ni Hitler sa naturang proyekto.

Ang aso naman na si Kurwenal ay marunong magpatawa gaya ng payaso at itinuturing na simbolo ng edukadong mga aso sa Germany. Ang mga aso ay nasa ilalim ng pagtuturo ni Margarethe Schmitt’s ng ASRA.

Ang pagmamahal ng mga Aleman sa mga aso ay nagbigay ng inspirasyon sa kakatwang proyekto ng mga Nazis. Isa sa mga pilosopiya nila na mayroong isang malakas na pagtatambal sa pagitan ng mga tao at ng kalikasan.

Sinabi ni Bondeson na simula na ipinabilanggo ng mga Nazis ang mga Hudyo, nagtataka sila ( mga Germans)  kung ano na  ang nangyari sa kanilang mga aso sa kuta ng mga Nazis. SiHitler ay kilalang dog-lover. Katunayan, Mayroon siyang 2 German Shepherds na ang pangalan ay Blondi at Bella. Pinatay niya si Blondi bago siya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili noong taong 1945.

SHARE
Previous articleMga Maling Paniniwala Tungkol sa Pagkain (Part 3)
Next articleScholarships for Filipino students
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here