ABUSIVE ALERT: 6 Signs Kino-Control ka Ng Boyfriend Mo

Napakasarap umibig. Hindi nito matatapatan ang kahit anong pakiramdam dito sa mundo. Pero minsan, sumosobra tayo dito. Kapag sinabing abusive ang relationship mo, ito ay maaaaring tungkol sa masasakit na pananalita o di kaya ay pisikal na pananakit. Madalas ito ay dahil sa pag-control ng isang tao sa partner niya.

Nakakita na ba kayo ng viral video tungkol sa mga possessive boyfriends at girlfriends? Para sa iba, nakakatuwa ito, pero sa totoo, ito ay hindi isang uri ng healthy na relationship, dahil may pamimilit at pag-control sa pagitan ng dalawang tao. Marami pang ganitong halimbawa, at baka ganito na ang partner mo. Basahin lamang ang anim na signs na ito para malaman mo kung ginagamit ng boyfriend mo ang salitang “LOVE” para ma-kontrol ka niya.

 1. Masyado siyang nagma-micro-manage ng buhay mo

Lahat ng ginagawa mo ay pinapakielaman niya dahil wala siyang tiwala sa decision making process mo. Gusto niya na gawin mo ang style niya pagdating sa mga bagay-bagay at pinipigilan ka niyang gawin ang mga bagay na gusto mo para sa ika-uunlad mo bilang indibidwal. Maging babala ito sayo na nagiging controlling na siya sayo.

 2. Hindi magaganda ang mga compliments niya sayo lately at lagi ka niyang dini-discourage

Lagi ka niyang sinasabihan ng mga bagay na hindi mo nagugustuhan at wala siyang pakielam kung masaktan ka o hindi. Kailangan ay kapag ginawa niya ito, sabihan mo siya agad right there and then, para mabigla siya.

 3. Madalas ka niyang pinapagawa ng mga bagay na hindi ka komportableng gawin at nagagalit siya kapag uma-ayaw ka

Minsan ay maaaring may mga bagay siyang gustong i-explore at kapag umayaw ka ay mamasamain niya.

4. Lagi ka niyang binabara sa mga opinyon mo at minamaliit ang mga problema mo, na minsan pa ay dinidismiss niya ito

Sa isang argumento, dapat ay nakikinig ang bawat isa sa kanya kanyang opinyon. Kung lagi ka niyang pinapatahimik dahil sa mga opinyon mo, ibig sabihin ay hindi ka niya nirerespeto sa mga paniniwala mo sa buhay.

 5. Mabilis magpalit ang mood niya mula sa pagiging aggressive papunta sa pagiging sobrang malambing

Ang isang klase ng abuser ay madalas na paiba iba ang emosyon. Kapag ganito ang partner mo, kailangan mong ma-detect na isa na itong form of abuse sa part mo at kino-control ka na niya talaga.

 6. Naiinggit siya sa iyong success

Sa mga panahon nang tagumpay, ang gusto lang natin ay mag-celebrate kasama ang mga mahal natin sa buhay. Kapag hindi masaya ang partner mo dahil sa success mo, ibig sabihin ay hindi ka niya tinuturing na equal niya o di kaya ay mababa ang tingin niya sayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here