A Single Moms’ Journey

0
197

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Lahat tayo ay naghahangad ng isang buo at masayang pamilya. Sino ba naman ang hindi diba? Ngunit papaano naman kung niloko kana ng paulit ulit nalang? Sa unang pagkakamali maaari mopa siyang patawarin kasi tao lang naman. Sabi nga walang perpektong tao sa mundo. 

Tapos buong akala mo okay na ang lahat. Tapos nalaman muna lang bigla na inulit nya ang ginawa niyang pagkakamali niyang  iyon sa parehong paraan! So ito hihingi ulit ng tawad at mangangako na dina muling uulitin. Ikaw naman pinatawad mo kasi mahal mo at syempre ayaw mong masira ang pamilya mo. 
Ngunit naulit na naman ito sa pangatlong pagkakataon! At lalo pa itong lumala. At umabot na sa puntong dika lng sinaktan emotionally pati na rin physically. Patatawarin mopa din ba? O susuko kana?

Marami sa ating mga kababaihan ang nagtitiis kahit minsan tayo ay subra nang naabuso para sa ating pamilya at higit lalo para sa mga anak.ngunit dapat nating ipaglaban ang ating mga karapatan.bilang asawa at bilang babae, 

Maging matapang tayo. Wag nating hahayaang tayo ay maabuso wag tayong nagpadala sa takot. Kaya natin akala  lang natin mahirap ngunit kung makabitiw kana doon m masasabi na kaya ko pala.magkakaroon kanang katahimikan at tiwala sa iyong sarili dahil alam mong tama lamang ang iyong ginawa. 
Hindi mahirap ang maging single mom. Mas mahirap yung hinahayaan mong abusuhin ka at wala kang ginawa dahil parang wala kana ding respeto sa iyong sarili kung hahayaan mong ganun nalang lagi ang ginagawa sa’yo. 

Kaya dapat tayong mga kababaihan alam natin ang ating karapatan. At dapat natin itong ipaglaban. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here