9 Types ng Tao na Dapat Iwasan sa Social Media

0
439

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Dahil sa fast changes sa social media at algorithm ng Facebook na pa-iba iba depende sa interests ng mga tao, kahit ano ay posible na. Pwede kang mag-post ng magagandang bagay at pwede ka rin mag-share ng mga reklamo mo sa buhay. Hindi mo rin maiiwasan makasalamuha ang iba’t ibang klase ng tao sa social media. Read on. 

Ang magandang parte ngayon sa social media ay posible ka nang mag UNFOLLOW, mag REPORT at mag BLOCK. Tingnan ang listahan na ito at basahin kung sino ang mga nararapat nang maalis sa timeline mo. 

1. Yung gustong binabaha ang timeline mo ng photos niya

Okay lang naman mag-post ng photos online, pero kung paulit-ulit na photos at selfie ang ipo-post, nakakainis din. Mas pangit kung aawayin mo sila, kaya mas magandang i-unfollow mo na lang sila para tahimik na ang timeline mo. 

2. Mga taong nagpo-post ng insulto na akala niya ay biro

Hindi mo maiiwasan ang mga ganitong klase ng tao. Matapang lang sila online, pero offline, hindi sila maka-imik sa mga tao sa paligid nila. Kapag hindi mo sila pinansin, mas mafu-frustrate pa sila kaya mas magandang i-unfollow mo na nga sila. 

3. Yung taong kumokopya lang ng content sa iba at pino-post ito, claiming sila ang may-ari

Ibang level na ito ng plagiarism kaya wag mo suportahan ang mga ganitong tao. 

4. Yung mga pyramid scam

Sila yung laging nagtatanong kung “open-minded” ka ba. Dapat ay i-block mo na sila para di sila magkaroon ng tsansa pa na kulitin ka. 

5. Mga namimilit na bentahan ka ng produkto nila

May mga tao naman na i-tatag ka pa para lang makita mo ang mga products nila. Mas magandang kung pa-isa isa, pero yung puno na yung page mo ng posts nila, nakakainis na yun. 

6. Mga nangungutang

Minsan, magsisimula sila sa pangangamusta, hanggang sa magiging pangungutang na. Kung ayaw mong kulitin ka nila, i-turn down mo na agad. Kapag mapilit pa rin, i-block mo na. 

7. Ex mo na laging nagpapapansin sayo

Past is past kaya dapat ay iwan na ang lahat sa nakaraan. Huwag mo na bigyan ng pagkakataon ang ex mo na mahulog ka ulit sa patibong. Stay away from him/her. 

8. Mga taong gumagamit ng fake accounts para dumami likes nila

Marami ang gumagawa nito. Kadalasan, gumagawa rin sila ng troll accounts para mang-away nang ibang tao. It goes to show na duwag silang harapin ang realidad offline, na hindi sila matapang at insecure sila. 

9. Puro reklamo sa mundo

Meron yung paminsan-minsan nag-rereklamo dahil sa araw nila, pero positive pa rin. Meron naman, lahat na lang ng post ay puro reklamo. Mas magandang iwasan ang ganitong tao para mawala ang negative vibes sa timeline mo.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here