9/11-30 CONNECTION: BIN LADEN, INILIGTAS SI MICHAEL JACKSON

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Kamakailan ay ating napag-usapan ang tungkol kay Michael Jackson at sa isang kanta nito na naglalaman ng mensahe na ikinabahala ng awtoridad ng U.S. Kasi, pa-simple silang binabanatan ni Jacko sa awitin nitong ‘They Don’t Care About Us’ tungkol sa paglabag sa katapatang pantao at racism.

Nagplano ang kritiko ni Jacko at pinabagsak siya sa pamamagitan ng mga planted na plano at akusasyon ng mga pang-momolestiya umano sa mga bata na iniimbitahan nito sa kanyang Neverland home. Ayon kay David Icke, isa sa nagbigay ng matinding pressure kay Jacko ang mga extortion ng mga taong umanong nais siyang kaperahan. Unti-unting nauubos ang pera ng ‘King of Pop’ kung kaya kinakailangan nitong kumayod.

Ngayon ay ating uungkatin ang Jacko and 9/11 Terrorist Attack Connection na sinasabing iniwasan ng utak nito na mapahamak si Michael. Ayon kay Mike Malloy, isang host, ay isang quiet fan ni Jacko si Osama Bin Laden na sinasabing lider ng grupong radical na Al Queda. Batay sa nakalap na intelligence report, ang orihinal na petsa talaga ng planong pag-atake ng mga terorista sa World Trade Center ay sa petsang Setyembre 7, 2001 na binalak pa umano sa bansang Sudan noong 1995-1996.

Ang ilan sa tauhan ni Bin Laden ay na mula sa bansang Bahrain ay nagbigay ng impormasyon na may gaganaping concert si Jacko sa Madison Square Garden kaugnay sa ika-30anibersaryo nito bilang solo artist, na kumalas sa grupo niya noon na ‘The Jackson 5’.

Upang hindi mabulabog at masira ang selebrasyon ng pagdiriwang ni Jacko ay iniurong ang naturang original masterplan. Nabatid din ng mga terorista na nagtitiktik lamang sa New York na dalawang series ang konsiyerto ni Jacko. Isa nga sa petsang 7 ng buwan ng Setyembre 2001 at petsa 10.

Kaya naman, iniurong ang petsa at itinutok sa petsang Setyembre 11, 2001 ni Bin Laden ang pag-atake na akma lamang din sa pagsira sa Twin Tower ng naturang gusali na sumasagisag sa numerong 11. Kaugnay naman sa concert ni Jacko ay maraming artist ang umawit ng sarili nilang rendition ng ilang kanta ni Jacko. Sila’y sina Usher, Destiny’s Child, Shaggy, at Whitney Houston.

Nag-reunion din sa okasyon na ito si Jacko at ang kanyang mga kapatid. Nang matapos ang concert ni Jacko noong gabi ng September 10, 2001, doon na kumilos ang mga terorista at nang ika- 9:00 ng umaga ng September 11, ginawa nila ang isang karumal-dumal na teroorist attack na tumatak sa kasaysayan.

Sinasabi ng ilan na ang naturang petsa ay kaarawan umano ni Bin Laden, pero mali iyon. Dahil, ang kaarawan niya ay Marso 10, at siya ay ipinanganak noong 1957 sa Riyadh, Saudi Arabia.

SHARE
Previous article5 Paraan para di mo maisipan ang mapakamatay
Next articleBakit may mga batang makukulit?
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here