8 Extreme Tipid Tips para sa Christmas Season

0
183

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Holiday season na naman at siguradong excited tayong lahat sa pamimili ng Christmas decorations, gifts at pagkain bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon. Pero syempre, kahit masaya ang idea ng shopping, siguradong natatakot din tayo sa dami nang ating gagastusin.

Kung balak mong magtipid ngayong Pasko nang hindi nagmumukhang kuripot, basahin lamang ang article na ito para matuto at maisabuhay ang konsepto ng Pasko sa buong taon.

  1. Remember, Jesus is the REASON for this SEASON

Masyado ka nang preoccuppied sa iba ibang bagay. Tandaan mo na ang season na ito ay para sa pagkapanganak ni Hesus at nabuhay siya para iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Huwag ka ma-pressure sa dinidikta ng mundo sayo na kailangan mong gumastos sa iba’t ibang bagay. Ang tipid tip #1 ko para sayo ay umpisahan mo ang season na ito with prayers, lots of prayers!

And also, remember that when Jesus was born, He was in a manger, not in a luxurious hospital. Kaya kung gusto mo icelebrate talaga ang birthday ni Jesus, itigil mo ang magarbong celebration dyan sa utak mo.

  1. Live within your means

Hindi porket Pasko ay lulustayin mo na ang ipon mo. At huwag mo irarason na pinaghirapan mo yan dahil that’s exactly the point: PINAGHIRAPAN MO YANG PERA NA YAN. Kailangan mo maisip na hindi mo dapat ubusin ang pera mo o lagpasan pa sa kung ano lang ang kaya mo para lang ipagdiriwang ang Pasko.

  1. Don’t please everyone

Hindi mo kailangan mamigay ng regalo. Hindi mo rin kailangan bigyan ng regalo ang mga inaanak mo. Isang malaking misconception na ang mga ninong at ninang ay dapat namimigay ng pera at regalo sa kanilang mga inaanak kapag birthday o di kaya ay Pasko. Mali ito dahil ang responsibilidad ng ninong at ninang ay ang tumayong pangalawang magulang ng bata hanggang sa paglaki niya.

  1. Wag utang and enjoy now tapos pulubi and sad after

Napakapangit na practice ang pangungutang pag may fiesta, birthday o di kaya ay okasyon. Matutong makuntento sa kung anong meron ka. Kung hindi kaya, tigilan ang self pity dahil dyan nagsisimula ang mga negative thoughts. Tandaan mo, hindi mo birthday, birthday ni Jesus.

  1. Spend your 13th month bonus wisely

Maaari mo itong gamitin sa insurance, retirement savings, emergency savings o di kaya sa isang start-up business.

  1. Draft your Christmas budget

Isulat mo kung saan mapupunta ang Christmas budget mo para madisiplina mo rin ang sarili mo na gumastos lamang sa loob ng kung anong meron ka.

  1. Mas matipid pa rin pag nag Pre-Christmas Shopping at Booking ka

Kung balak mo pa rin magbigay ng regalo, mas maganda kung gawin mo ang pamimili bago pa man mag-Pasko. Nang sa gayon, hindi ka mahirapan sa dami nang tao sa malls at mas makakatipid ka pa. Pagdating naman sa bookings, mas maganda na gawin mo ito ahead of time para hindi ka rin maubusan ng slots.

  1. Bigyan mo ng importansya ang mga kamag-anak mo

Christmas Season is also about being with your family. Don’t worry much about spending money, instead, focus on spending time with your family.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Disyembre 11
Next articleTOP 10 HEALING GEMSTONES (Part 1)
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here