8 Exceptional Qualities ng Isang Successful Entrepreneur

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Madali nga bang maging isang businessman? Para sa mga taong mayayaman lang ba ang pagiging entrepreneur? Ano nga ba ang sikreto ng mga successful entrepreneur para sila ay maging “successful”? Ire-reveal ko sa inyo ang kanilang secrets para mapaisip ka na rin sa mga bagay na pwede mong baguhin para maging successful entrepreneur.

1. Sila ay willing magsimula sa maliit, pero malaki kung mangarap

May mga taong takot magsimula. Pero para sa isang successful entrepreneur, ready sila magstart from scratch para matupad nila ang malalaking pangarap nila. Hindi sila natatakot sa mga bagay na hindi pa nila nakikita dahil willing sila magtake ng risk.

2. They love to learn

Hindi sila nagsasawa matuto dahil ito ang paraan nila para makita ang iba’t ibang opportunities at mga bagay sa mundo. Experimental din sila pagdating sa mga hindi pa nila nagagawa noon.

3. Sobrang disiplinado nila

Mula sa oras at routine, ang mga taong successful when it comes to business ay disiplinado. Ibig sabihin din kasi nito ay nirerespeto nila ang oras ng ibang tao at paraan nila ito para mas organized ang takbo ng buhay nila. Hindi naman necessarily na boring silang tao, pero mas vinavalue nila ang pag sunod sa plano at oras.

4. They love challenges

Para sa mga successful entrepreneurs, they eat challenges for breakfast, lunch and dinner. Mas gusto nila nacha-challenge dahil sa paraan na ito sila natututo. Magkamali man sila, alam nilang matututo sila at the end of the day.

5. Successful people keep their eyes on the goal

Hindi sila mahilig sa distractions at mga bagay na hindi makakatulong sa progress at success nila. They surround themselves with people who can help them grow.

6. Hindi sila sumusuko

Kahit ilang beses silang magkamali, tumatayo sila at umuusad sa buhay dahil mas maraming mahalagang bagay kaysa umiyak at magmukmok.

7. Hardworking sila

Naniniwala sila na hindi pwedeng umupo lang at maghintay ng swerte. They work hard and they work smart.

8. They don’t settle for less

May mga tao na mahilig na maging mediocre lang dahil takot sila sa challenges at mga pagkakamali. Mas gusto nila na mag-excel sa kahit anong ginagawa nila dahil naniniwala sila sa greater purpose nila in life.

At the end of the day, ang isang successful entrepreneur ay tao pa rin, pero mas may grit, at naniniwala na hindi lang pera ang magpapatakbo sa buhay niya. Kung gusto mong maging successful entrepreneur, kailangan ay ialis mo muna sa isip mo ang pera, dahil business is more than that, and it is way beyond your purpose in life. +

SHARE
Previous articleMGA SIMPLENG PARAAN PARA MAKAKITA NG ESPIRITU SA PALIGID
Next articleAng Pinakamisteryosong Zodiac Sign
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here