7 Signs na Meant To Be Kayo ng Boyfriend Mo

0
294

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ayon sa isang dating site na tinatawag na eHarmony, ang mga couples na sobrang saya at satisfied sa relasyon nila ay may parehas na katangian, kayang mag-communicate openly sa isa’t isa at vinavalue ang pag-share sa same level ng dominance. Ang mga couples din na ito ay intimate at alam ang current events.

Curious ka ba sa sarili mong relasyon? Basahin ang article na ito para malaman ang signs kung okay kayo at meant to be kayo ng partner mo.

1. Parehas kayo ng personalities ng partner mo

Mas masaya at satisfied ang mga couples kapag parehas ang kanilang personality traits. Kapag dating kasi sa pagreresolba ng mga problema at conflicts, kapag magkaiba ang traits ng dalawa, maaaring kalmado ang isa at sumisigaw naman ang isa. Aside sa same personalities, similar hobbies din ang nakakapagpasaya at kontento sa isang couple.

2. Kapag parehas kayong committed sa inyong relasyon

Some people find it hard to be fully committed to their relationship. Nandyan na ang selos, nakukulangan at masyadong clingy. Sad to say, may mga tao na kapag kulang ang natatanggap nila sa partner nila, nalulungkot na sila agad. May mga tao naman na kontento na kahit busy silang dalawa- nandoon kasi ang committment at hindi sila nagfofocus sa mga bagay na maliliit.

3. Sobrang nae-enjoy ninyo ang intimacy ninyong dalawa

May mga tao na nagkakasawaan at hindi na gustong maging intimate sa kanilang partner. May mga magpartner talaga na naghihiwalay kapag nawawala na ang sweetness sa isa’t isa. Pero tandaan, hindi rin dapat sex ang magpatakbo sa inyong relasyon. Sobrang importante ang sanctity ng marriage. Tandaan na dapat ay kasal muna bago kayo maging intimate sa isa’t isa.

4. May similar views kayo sa buhay

Hindi ninyo nakikita ang isa’t isa na nagdedebate sa mga current events. Culturally aware kayo at similar ang opinions ninyo sa political, social, cultural at kung anu-ano pang issues sa paligid ninyo. Kung parehas din kayo ng educational attainment, mas magiging masaya kayo together dahil sa inyong intelligent talks.

5. Parehas ninyong gusto ang meaningful relationship

May mga tao na nakikipagrelasyon lang dahil ayaw nila maging mag-isa. Pero kayo, parehas ninyong gustong isentro ang buhay ninyo sa Diyos at igalang ang sanctity ng pagbuo ng marriage and family. Kumbaga, intentional kayo sa inyong pakikipagrelasyon, at hindi nakikipaglaro.

6. Parehas kayong may equal level of power

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagsunod sa gender roles ay nakakabawas ng saya sa isang relasyon. Importante sa isang relasyon na walang mas dominante sa isa. Kapag may isa kasing mas mataas, chances are, magkakasawaan sila.

7. You can communicate well

Priority sa inyo ang makapag-usap sa mga bagay. Ayaw ninyo matulog nang magkaaway at importante sa inyo ang affirmation at pagsabi sa isa’t isa ng “I love you” at “I miss you”.

SHARE
Previous articleMga Pamahiin Noon at Ngayon sa Buong Mundo
Next articleChinese Horoscope; Agosto 4
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here