7 Red Flags ng Isang First Date Disaster

Sobrang exciting ang first date, lalo kung gusto mo ang taong makakasama mo. Hindi mo ma-explain ang nararamdaman mo at feeling mo ay bago lahat. Siguradong pinaghahandaan mo ito dahil ayaw mong mapahiya ka sa kahit anong paraan.

Pero paano mo malalaman kung disaster ang magiging first date mo? May red flags ba na pwede mong gamiting signs na first and last mo na yun? Well, oo meron! Basahin ang walong ililista ko at gamitin ito bilang palatandaan mo kung itutuloy mo ba siyang i-date o hindi.

  1. 1. Sobrang tuyo ng conversation ninyo

Hindi maganda ang takbo ng mga usapan ninyo dahil wala siyang masabi lagi sa mga topic na inoopen mo kahit sa chat pa lamang kayo nag-uusap. Ibig sabihin hindi kayo compatible sa verbal communication. Napaka-hirap nito dahil paano na lamang kung magkikita na kayo?

  1. Marami siya masyadong ino-open sayo bago pa kayo magkita

Pwede ring masyadong marami siyang inoopen sayo tungkol sa past niya na hindi ka na komportableng pag-usapan. Maging alerto din kung ang topic niya lagi ay tungkol sa pagiging mabait at heroic niyang tao. Chances are, hindi siya ganun.

  1. Marami siyang excuses and delays sa pagkikita ninyo

Hindi siya gumagawa ng paraan na makapagkita kayo. Kung napapansin mong lagi na siyang gumagawa ng excuses, huwag mo na rin ipilit ang sarili mo sa kanya.

  1. Nagsasabi siya ng “magandang” bar malapit sa kung saan siya nakatira

Napaka-pangit na sign nito dahil it’s either napaka-tamad niyang gumawa ng effort na magkita kayo, or una palang ay controlling na siya, or gusto niya na agad na may mangyari sa inyo. Kapag ganito ang nangyari at pinipilit niya na puntahan ninyo yung sinasabi niyang lugar, huwag ka nang tumuloy. Decline his offer.

  1. Ang mga messages niya sayo ay masyadong sekswal

Kung napapadalas na puro sex ang gusto niyang pag-usapan ninyo, medyo mag-ingat ka na dahil alam mong yun na agad ang habol niya sayo. Siguraduhin mo rin na hindi ikaw ang nag-oopen ng topic na yun dahil kung hindi, baka nakaka-send ka sa kanya ng wrong signals and messages.

  1. Sinasabi niya mismo sayo na hindi siya sigurado sa hinahanap niya sa date ninyong dalawa

Kung umpisa pa lang ay nagse-set na siya ng boundaries sa relationship ninyo at ayaw muna niyang maging magkaibigan kayo, baka may problema sa kanya pagdating sa commitment. Hindi naman sa gusto mo nang maging kayo pero dapat ay hindi siya nag-seset agad ng expectations.

  1. Hindi maganda ang mga pinopost niya sa social media accounts niya

Kung puro pang-aaway at pagpaparinig ang meron sa mga social media accounts niya, it speaks on behalf of his character. Maging guarded dito lalo kung alam mong hindi ka ganung klase ng tao.

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articlePahula 119: Kahit pa suwerte sa sugal
Next articleKapangyarihan : Hottest body part ng bawat zodiac
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here