650 NA PAGKAKITA NG UFO SA AMERIKA, INIULAT NOONG 2018

0
125

Latest posts by BOBBY V. VILLAGRACIA (see all)

Simula pa noong unang panahon, nagpapatuloy ang pagkakita sa papawirin ng mga unidentified flying object o UFO sa iba’t-ibang panig ng mundo na patuloy ding nag-uudyok sa mga tao na lutasin ang hiwaga sa mga bagay na ito. Kaugnay ng mga pangyayaring ito, inihayag sa publiko ng National UFO Reporting Center noong 2018 ang ulat na nagkaroon ng anim na daan at limampung pagkakita umano ng ganitong mga bagay sa online database ng ahensyang ito.

Kabilang sa mga pangyayaring ito ang naganap sa air traffic controller ng Federal Aviation Administration (FAA) sa Albuquerque Air Traffic Center sa New Mexico kung saan dalawang piloto ang nagbigay ng ulat sa pahayagang Phoenix New Times na nakita sila ng UFO sa ibabaw ng  disyerto ng Arizona noong Pebrero, 2018 sa ganap na ika-3:30 ng umaga.  Piloto ng Learject ang unang nag-ulat sa pagkakita ng UFO sa Sonoran Desert malapit sa siyudad ng Phoenix na patungo sa estado ng California.

Sa pag-uusap, nagtanong ang piloto kung may lumilipad na eroplano sa ibabaw ng disyerto sa taas na apatnapung libong talampakan na sinagot ng air traffic controller na negatibo. Sa patuloy na pag-uusap ng piloto at air traffic controller, sumagot ang pilotong okey at sinabing may nakita siyang bagay na lumilipad sa ibabaw ng disyerto at hindi niya malaman kung anong sasakyang panghimpapawid.

Dahil naniwala ang air traffic controller ng Federal Aviation Administration sa piloto, binigyan ng babala ang piloto ng American Airlines Airbus na dumaraan sa lugar sa mahiwagang bagay na lumilipad sa ibabaw ng disyerto sa Arizona. At makaraan ang ilang minuto, nakatanggap ng tawag ang air traffic controller mula sa piloto ng nabanggit na airlines na may nakita rin siyang lumilipad na bagay na dumaan sa ibabaw ng pinapalipad niyang eroplano habang binabagtas ang Sonoran desert.

Ayon pa sa piloto, hindi niya matiyak kung anong bagay ito at sinabing maaaring balloon o kung anong sasakyang may malaking repleksyon at naglalakbay salungat sa direksyong tinatahak ng eroplano niyang pinalilipad. Makalipas ang ilang linggo, nagpalabas ng ulat ang air traffic controller ng FAA sa bagay na nakita ng dalawang piloto sa ibabaw ng Sonoran desert ng Arizona at sinabing walang ibang eroplanong dumaan sa lugar maliban sa Learject at eroplano ng American Airlines Airbus.

Batay sa pahayag ng air traffic controller sa Phoenix New Times, nakipag-ugnayan sila sa mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa ganitong pangyayari at tiniyak na walang eroplano, sibilyan o militar, Google o weather balloon na nagdaan sa ibabaw ng nabanggit na disyerto. Lumabas ang ulat na ito, matapos ipahayag ng isang dating opisyal ng Pentagon na lihim na gumagawa ng pananaliksik ang Amerika sa mga UFO simula pa noong taong 2007.

Sa ginawa namang imbistigasyon ng pahayagang New York Times, natuklasan ang mga larawang nakuha ng dalawang eroplano ng US Navy sa mahiwagang bagay na nagliliyab na lumilipad na hawig sa nakita ng piloto ng Learjet at American Airlines Airbus. Dahil sa mga pangyayaring ito, ipinagpatuloy ang pagtanggap ng website ng National UFO Reporting Center sa ulat sa pagkakita ng mga unidentified flying object o UFO basta tutuo at wasto ang detalye.

Kuwento ni BOBBY V. VILLAGRACIA mula sa pananaliksik 0

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here