6 Types of Lesbian

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa dami ng mga lesbian ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo, aware ba kayo sa uri ng lesbian na inyong nakakasalamuha o lesbian na inyong karelasyon? Maraming uri ang mga tomboy. Narito ang anim na pangunahing uri ng mga tomboy na maaari ninyong magustuhan.

1.LIPSTICK LESBIAN- Siya yung uri ng tomboy na babae ang dating. Nagdadamit pambabae,mahilig din sa mga alahas,nagsa-shopping, kumikilos na parang isang babae but deep inside ay isa siyang tomboy. May pusong lalaki.

2.BUTCH LESBIAN- Siya naman ang uri ng tomboy na astig ang datingan. Hindi mahilig magkolorete sa mukha. Parang lalaki kumilos pero hindi naman niya gustong gayahin ang gawi ng mga kalalakihan kundi nais lang niyang patunayan na pwede ring maging kaakit-akit ang isang babae kahit pa sa katauhan ng isang tomboy.

3.CHAPSTICK LESBIAN- Ang chapstick lesbian, ito naman ang uri ng tomboy na nahahati sa pagiging lipstick at butch lesbian. Ibig sabihin ay pwede siyang magpa-girly dress at pwede rin naman siyang magpa-masculine wear. Depende sa gusto o mood niya.

4.POWERFUL LESBIAN- Siya yung makapangyarihang lesbian. Lahat ay ginagawa niya para manatili siyang nasa ibabaw o nakaaangat. Paraan niya ito para masangga ang panghuhusga ng ibang tao. Patutunayan niya ang kanyang kakayahan sa propesyon kanyang napili .

5.HASBIAN LESBIAN- Ang uri naman ng tomboy na ito ay yung tipong nakikipag-date sa isang lalaki. Hindi niya itinuturing ang sarili niya bilang straight o bi. Basta trip lang niyang makipagdate sa isang lalaki. Bahala na kung ano ang kahinatnan nito. Naniniwala siyang walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap kaya kahit ramdam niya ang pagiging tomboy ay hindi niya pinipigilan ang sarili niya na makipagdate sa isang lalaki.

6.BABY DYKE LESBIAN- Ang baby dyke lesbian naman ay ang tomboy na bago pa lang sa komunidad ng mga tomboy. Siya yung ngayon pa lang nakapagdesisyon na lumabas sa closet dahil maaaring ngayon pa lang niya nasiguro sa kanyang sarili na isa nga siyang tomboy. Ang susunod niyang pagdedesisyunan ay kung anong klaseng tomboy ba siya. Sa hinaharap, siya ay maaaring maging isang lipstick lesbian, butch lesbian, chapstick lesbian, powerful lesbian o hasbian lesbian. Pero hangga’t hindi pa siya nakakapagdecide ay mananatili siyang baby dyke lesbian.

SHARE
Previous articleHerbal; KATMON
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Mayo 21, 2019
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here