6 Tips para Mapabilib ang Iyong Boss

0
93

Ang iyong pinakamahalagang relasyon sa trabaho ay maaaring kung ano ang mayroon ka patungkol sa mga kasamahan, pero ang totoo, ang tibay o patutunguhan ng iyong career ay nakasalalay sa kamay ng iyong boss.

Dahil sa mas mahabang oras ang ating ginugugol sa trabaho kaysa iba pang lugar, narito ang ilan sa mga tips na malaki ang maitutulong upang mapabilib ang iyong boss at makita niya ang halaga mo sa inyong kumpanya.

1. Subukan at  maging matatag

Ayaw mo na ang iyong performance reviews ay maging usap-usapan – maayos sa isang taon, nakasusuka naman sa susunod na taon. Palakasin ang iyong reputasyon sa pagsubok na maging matatag sa pagpapabuti ng iyong gawain. Nais mong makilala sa pagiging maaasahang empleyado.

2. Maging laging nasa oras

Kahit sinong boss ay hindi nanaisin na laging late ang kanyang mga empleyado. Pasayahin ang iyong boss sa pagiging laging maaga sa trabaho at maging produktibo. Dahil kung laging late, natural lamang na mas konti ang iyong oras sa pagtatrabaho.

3. Umaktong tulad ng kasamahan ng iyong boss

Maaaring hindi kayo pareho ng level ng iyong boss, subalit maaaring gawing available ang sarili tulad ng iba niyang kasamahan na makikinig kung kinakailangan, gagawa ng mga suhestyon, at makikipag-chat sa kanila tulad ng ginagawa mo sa iba pang kasamahan.

Maaaring hindi ito puwede sa ibang boss, subalit maaaring subukan.

4. Huwag saksakin sa likod ang boss

Dapat lamang na hindi ito gawin, at alam mong ang mga tsismis at kung anumang pag-uusapan tungkol sa boss ay sadyang marami. Huwag gawin ang pagkaamali na isiping hindi malalaman ng iyong boss kung anuman ang sinabi mo sa kanya sa opisina.

5. Ipakita ang iyong inisyatibo

Patunayan na magagawa ang trabaho na may konti o wala nang superbisyon. Hindi ito makalilimutan, at ang boss ay laging napabibilib sa mga empleyadong nagpapasa sa kanila ng kumpletong trabaho bago pa man nila ito hingin na gawin.

6. Ipakita na nais mong mag-step up

Magboluntaryo na tumulong sa mga trabaho, at alamin kung saan maaaring tulungan ang boss na makumpleto ang trabaho. Gawing ugali ang magboluntaryo kung may panahon ka naman at ipakita na kaya ang trabaho – iyon na, napabilib mo na sila sa iyong pagnanais na makatulong at kahusayan sa paggawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here