6 na Importanteng Bagay Para sa Matagumpay na Pakikipagrelasyon

0
121

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Lahat ng nag-uumpisang relasyon ay masaya at puno ng excitement. Ibinabahagi nyo sa isa’t-isa ang inyong mga nais sa buhay, mga pangarap, at kadalasan ay maging ang inyong mga katawan. May maikli at mahabang relasyon. Pero ano nga ba ang dapat mong gawin kung ang nagsisimula nyo pa lang na relasyon ay gusto mong maging pangmatagalan? Narito ang anim na simple pero importanteng bagay na dapat mong malaman para magtagumpay ka sa iyong pakikipagrelasyon.

1.Pagdating sa tamang oras

Sino ba ang gugusto na ang ka-date mo ay late? Syempre wala. Hangga’t maaari nga ay mas gusto mo na pagdating mo ay nasa place na siya. Iwasan mo na ang Filipino time na sinasabi. Dapat ay malinis na ang tingin na ito sa ating mga Filipino. Dapat tayong sumipot sa oras na pinag-usapan. Kung lagi kang late o lagi siyang late, makakaapekto ito sa inyong relasyon at maaaring maging dahilan ng inyong pag-aaway.

2.Pagiging malinis

Kung sa umpisa ay balewala lang sa kanya ang nadatnan niyang karumihan sa loob ng iyong boarding house o tinutuluyang bahay, pagtagal ay mapapansin na niya ito. Walang tao ang gugusto sa bahay na magulo at maraming kalat. Kung pananatilihin mo ang ganito ay maari siyang maturn off sa’yo lalo na kapag nakakita siya ng iba na magaling at maayos sa bahay.

3.Paggasta ng pera

Sa una ay mahihiya pa kayong pag-usapan at pagtalunan ang tungkol sa paggasta nyo ng pera. Pero habang tumatagal ay unti-unti nyo ng mapapansin kung isa sa inyo ay hindi marunong maghandle nito. Kapag nasa harap nyo na ang problema tungkol sa pera ay saka nyo marerealize na dapat ninyo na itong pag-usapan at ayusin kung hindi ay pagmumulan ito ng isang away na maaaring mauwi sa paghihiwalay.

4.Pakikipagtalik

Isa ito sa pinaka exciting part ng isang relasyon. Sa umpisa ay kapwa kayo mangangapa sa kung ano ang gusto ng bawat isa. Kapag sinabing pakikipagtalik, hindi lang ito basta pakikipagtalik. Dapat ay palagay ang loob nyo sa isa’t-isa. Ang compatibility nyo sa bed ay pangalawa sa dahilan kung bakit nagtatagal ang isang relasyon.

5.Parehong prayoridad sa buhay

Parang sayaw lang na kailangan ay sabay ninyong naiindakan ang buhay. Mas mabuti kung pareho kayo ng mga prayoridad sa buhay tulad ng tungkol sa trabaho at pamilya. Kung sakali naman na magkaiba ang inyong prayoridad ay kailangan ninyong unawain at suportahan ang isa’t-isa.

6.Paniniwalang espiritwal

Kung magkaiba ang relihiyon nyong dalawa ay hindi maaalis ang conflict sa pagitan nyo lalo na kapag kayo ay nagkaroon na ng mga anak. Sa kaninong relihiyon susunod ang inyong mga anak? Mas makabubuti kung isa sa inyo ang magpapaconvert upang maging isa kayo sa relihiyon bilang couple at bilang pamilya.

Wala namang perpektong relasyon. Subalit ang 6 na mahahalagang bagay na ito ay maaari mong ikonsidera kung nais mo na magtagal ang inyong relasyon. Ang pagdaan ng magkabiyak sa mga pagsubok ay bahagi ng relasyon patungo sa tagumpay ng kanilang pagsasama. Pero kung hindi mabibigyang pansin ang mga simpleng problema baka magkaibang direksyon na ang tahakin nila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here