5,537 OFWs may HIV/AIDS, ayon sa DOH

0
327
ofw life stories on philippineone

Nakakaalarma na 5,537 OFWs o 11% sa kabuuang bilang na 52,280 ang positibo sa sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Ibig sabihin nito, may isang OFW sa bawat 11 na infected o may HIV/AIDS.

Sa paghimay ni ACTS OFW party list representative Aniceto John Bertiz III sa datos, lumalabas na may 4,763 sa OFWs na may HIV/AIDS ay lalake, mga seafarers, at nasa edad 32 hanggang 34.

At sa unang buwan lang ng 2018, may 140 OFW na ang nadiskubreng may HIV/AIDS, 129 ay lalake at 11 ay babae.

Bakit mga lalakeng seafarer nasa ganitong median age ang nagkaroon ng HIV/AIDS? Paano nila nakuha ang sakit?

Una, dahil sa kanilang trabaho. Ang barko o vessel na sinasakyan ng seafarers ay tumitigil pansamantala sa iba’t ibang port kaya may pagkakataon silang i-explore ang lugar kung saan sila nakatigil kasama na ang mga bahay aliwan. Sa DOH data, sinasabing malaking porsiyento ng HIV/AIDS na nakuha ng mga seafarers ay dahil sa sexual contact. Dahil bata pa at matagal na nasa dagat, sabik silang makasalamuha ang opposite sex. Dahil may pambayad, naghahanap ng panandaliang aliw ang seafarer. Maaaring dahil sa kapusukan kaya nag engage sila sa unprotected sex.

Ang masakit nito ay kung pamilyado o may permanent partner ang seafarer na naghihintay sa kanya pagkatapos magbarko. Hindi gumamit ng proteksiyon. Hindi rin nagpa checkup man lang para masiguro ang kanyang kalusugan. Pagkauwi ay basta naipasa ang maruming sexual fluid sa kanyang asawa o partner.

Huhustuhin ko na ang malagim na scenario kung paano lumalaganap ang HIV/AIDS. Kung dahil sa minsang pagtatalik ay nagbuntis pala ang asawang napasahan ng contaminated fluid, baka maipasa din ito sa batang nabuo sa sinapupunan.

Sa totoo lang, kasama ang HIV/AIDS awareness and control sa mga inaaral ng seafarers bago ito pumalaot. Ibinibigay ito ng mismong manning agency at maging ng Overseas Workers Welfare Administration sa pamamagitan ng Pre-Departure Orientation Seminar for Seafarers. Sa puntong ito, hindi naman nagkulang ang pamahalaan sa pagbibigay warning sa mga OFW.

Marahil nasa karakter na mismo ng OFW na may tamang disposisyon at mataas ang values ang posibilidad ng magka HIV/AIDS.

Minsan akong nagkaron ng pagkakataon na makausap ang isang OFW na babae na galing sa Taiwan pero napauwi dahil sa HIV. Ubo sya ng ubo. Deretsahan niyang inamin sa akin na may HIV siya at kailangan ng tulong kung saang sangay ng gobyerno pwedeng lumapit para siya makapaghanapbuhay at makapagpagamot. Di ko mapigil ang sarili ko kaya tinanong ko sya kung paano niya nakuha ang HIV.

Nahihiya pero inamin niyang dahil sa casual sexual relationship sa isa ring OFW. Hindi niya kilala ang nakatalik at basta nawalang parang bula pagkatapos ng sexual encounter. Ang masakit sa sitwasyon niya, hindi niya kayang ipaalam sa kanyang pamilya ang pagkakaroon ng HIV. Baka daw palayasin sya sa bahay.

Nakakalungkot. Bagamat binigyan ko sya ng listahan ng mga opisina na pwedeng hingan ng tulong, wala na akong ibang nasabi sa kanya kundi magdasal at humingi ng tawad sa carelessness na ginawa sa sarili, at piliting lumaban sa buhay. Ika nga, wala namang imposible sa Diyos at habang buhay, may pag-asa.

More Commentary

More Politics

More OFW

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here