5 Ways To Attract Happiness

    Avatar

    Kung minsan sa buhay natin ay dumaraan tayo sa mga pagsubok at nakakalimutan na natin kung paano maging masaya. Ito yung mga times na pakiramdam mo ay pasan mo ang daigdig. Yung feeling mo ay walang ibang nakakaintindi sa’yo kundi ang iyong sarili. Sa mga ganitong pagkakataon ay kailangan mong buuin muli ang sarili mo sa pamamagitan ng pag-attract ng happiness.

    Narito ang limang paraan na maaari mong subukan.

    1.Forgive yourself

    Kadalasan kaya tayo nahihirapang magpatawad ng iba ay dahil sa hindi pa rin natin ito naibibigay sa ating sarili. Kaya kung ikaw ay nakagawa ng pagkakamali o pagkukulang sa iyong sarili at sa mga mahal mo sa buhay,dapat mong matutunan kung paano mo mapapatawad ang sarili mo, nang sa gayon ay hindi maging mahirap para sa’yo na ipagkaloob din ito sa iba.

    2.Talk to yourself

    Hindi baliw ang kumakausap sa kanyang sarili. Magagawa mo naman ito everyday kung gugustuhin mo. Tulad na lang sa umaga pagkagising at pagharap mo sa salamin, batiin mo ang iyong sarili ng isang magandang umaga and tell yourself that you are beautiful as always. Isang magandang simula ito para sa maaliwalas na maghapong hinahangad mo.

    3.Meditate

    Kahit twice a week ay pwede mo itong gawin. Meditation is a big help para marefresh ang iyong mind at buo mong pagkatao. Through meditation ay magagawa mong linisin ang lahat ng negative thoughts sa utak mo at mapalitan ito ng positivity.

    4.Take time for yourself

    May mga tao na sa sobrang kaabalahan nila sa trabaho o kaya ay sa pag-aalaga ng ibang tao at mga mahal nila sa buhay ay nawawalan na sila ng panahon para sa kanilang sarili. Kung ganito ka, dapat kang humanap ng oras na mailalaan mo para sa sarili mo lang. Halimbawa ay kumain ka sa labas ng mag-isa at kainin mo yung favorite food mo or manood ka ng sine na mag-isa, mamasyal,magpinta at magluto para sa sarili. Gawin mo yung sa tingin mo ay makakapagpasaya sa’yo kahit wala kang kasama. Makakabuild ito ng happiness na hindi mo makakayang ipaliwanag.

    5.Be thankful

    You should be thankful kahit na sa pinakamaliit na bagay na meron ka. Learn to appreciate things and people around you. Yun lang paggising mo sa umaga ay isang malaking blessing na, what more pa ang makakilos ka, makagawa ng mga bagay na gusto mo at makihalubilo sa mga taong mahal mo. Being thankful in everything will attract more happiness in your life.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here