5 URI NG TAONG HINDING HINDI MO DAPAT PAGKATIWALAAN

0
1376

Ang tiwala ay isa sa pinakamahalagang bagay na maaari nating ibigay sa isang tao. Hindi natin basta-basta ibinibigay ang ating pagtitiwala sa kung sino-sino lamang. Kadalasan nga, kahit kapamilya mo na ay hindi mo basta pinagkakatiwalaan ng iyong mga lihim.

         Ang tiwala, kapag nasira ay napakahirap nang ibalik. Irreversible at irreparable ang epekto nito.

         Mga mga klase ng tao na hindi dapat pagkatiwalaan, lalo na ng mga mahahalaga at maseselang sekreto ng iyong buhay. Mahalagang kilalanin mo sila upang hindi ka magkamali.

  1.  Silang mga pabago-bago ng isip. Ang mga ganitong uri ng tao ay emotionally stable. Maaaring sa una ay panghawakan nila ang iyong  lihim. Pero kapag nagbago ang kanilang mood, maaari niya itong isiwalat. Ang mga pickle minded ay karaniwang mahina sa decision-making at nagiging  open sa lahat ng bagay, kahit pa sa mga sekreto na hindi naman dapat ibahagi.
  • Silang mga self-centered. Para sa kanila, ang mundo ay umiikot lamang sa kanila. Wala silang pagpapahalaga sa damdamin ng kanilang kapuwa, kaya hindi katakataka kung isiwalat nila ang sekreto mo, para lamang may maibida na naman sila.
  • Silang mga kulang sa simpatiya at empathy. Wala rin silang pakialam sa nararamdaman mo. Kaya hindi sila magdadalawang-isip na ilabas ang sekreto mo. Para sa kanila, problema mo na iyan.
  • Silang mga judgmental at feeling perfect. Ang mga taong ito ay mapagpanggap. Sa labas, sila ay tila mga maaamong tupa. Pero pagtalikod mo, humanda ka na dahil ikaw ang laman ng kanilang topic. Habit pa ng mga ito na ikumpara ang kanilang sarili sa iba. Gagamitin niya ang lahat ng sekreto mo para ma-highlight ang kaniyang katangian. Sabihin mo na ang mga sekreto mo sa taong lasing, huwag lang sa mga taong feeling perfect.
  • Silang mga mahilig makialam at pag-usapan ang buhay ng iba. Unless gusto mo naman talagang isiwalat ang mga lihim mo, ikuwento mo ito sa mga ganitong uri ng tao. Sila ay tila mga microphone at megaphone na ihihiyaw ang anumang ibulong mo sa kanila. Mainam pang makipag-usap ka na lang sa mga halaman kaysa sa mga ganitong uri ng tao. Sakit lang ng ulo at away ang ending mo kapag nagkataon.

0fffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here