5 Tips sa Pagsasanay ng Pangangalaga sa Sarili Habang Nasa Relasyon

0
68

Napakahalaga rin na pangalagaan ang sarili habang nasa isang relasyon – tulad ng pangangalaga sa relasyon mismo. Gayundin  sa iyong pakikipagkaibigan, pamilya at iba pa na mahalaga sa iyo. Upang maging pinakamahusay sa anuman sa mga ito, kailangang maging magaling kung kailan dapat mag-switch gears at maglaan ng panahon para magpokus sa sarili.

Narito ang 5 tips upang masanay sa pangangalaga sa sarili sa isang relasyon:

Take time for you.  Ang oras malayo sa iyong kapareha at iba pa ay nagbibigay sa iyo ng oportunidad na mag-recharge, mag-isip o sumali sa mga pang-isahang aktibidad na nagdudulot sa iyo ng personal na kasiyahan. At kung mas masaya ka, mas may kakayahan kang makitungo ng maayos sa kanila.

Be honest with yourself.  Maraming dahilan kung bakit ang tao ay inaalam ang pag-uugali ng ibang tao, lalo na sa mga close na relationships. Ito man ay maging asawa, kaibigan o ama, paminsan-minsan ay i-check ang sarili kung ano ang damdamin mo sa kanila. Kailangan itong magsimula sa iyo.

Set healthy boundaries. Mayroong emotional, physical at psychological space sa pagitan ng mga tao. Lahat tayo ay may karapatan sa sariling boundaries at kadalasang nararamdaman ito kapag naaabuso. Tama lamang na mag-set ng limitasyon at magsabi ng, “no.”  Maging malinaw sa iyong mga pangangailangan sa respetadong pamamaraan.

Sweep out the toxic.  Kung ikaw ay nasa intimate relationship o iba pang relationship na palaging nagbibigay sa iyo ng masamang pakiramdam, maaaring panahon na upang ikonsidera kung bakit ito nasa buhay mo. Ito ay pangangalaga din sa sarili na palibutan ang sarili ng mga taong may positibong impact sa iyo. Kung ang “toxic person” ay isang tao na mahirap alisin sa iyong buhay, tulad ng pamilya, subukang mag-set ng boundaries sa kanila at maglagay pa ng distansya sa pagitan ninyo kung kailangan.

Heal old wounds.  Maraming clues kung paano tayo mag-behave sa relasyon (intimate o iba pa) ay matatagpuan sa mga orihinal na karanasan sa pamilya. Kung nakaranas ng trauma, kaguluhan, mga tanong tungkol sa pagtitiwala, etc – magkaroon ng oras upang gamutin ang iyong mga sugat ng emosyon at pag-aralan kung paano magiging pinaka-secure sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here