5 Tips Para Tulungan Umayos ang Attention Span ng Iyong Anak

Hirap ka na ba sa attention span ng anak mo? Kung nahihirapan ka, mas mahihirapan siya kung walang guidance mula sa iyo bilang magulang niya.

Kung palaging malikot at hindi mapakali ang inyong anak, kailangan ninyo silang turuan mag-focus. Sa sobrang daming distractions ngayon sa ating kapaligiran, katulad ng Internet, social media at kung anu-ano pa, hirap ang bata maka-concentrate sa mga importanteng bagay katulad ng pag-aaral.

Kailangan mong maintindihan na natural sa karakter ng isang bata na maging makulit at malikot. Lahat ng bata ay iba iba ang energy levels at natural sa kanila ang maging curious sa maraming bagay. Nandyan na ang pag-eeksperimento nila at pagtingin sa mga bagay na hindi sa kanila. Palipat-lipat ang kanilang atensyon at hindi madali para sa kanila ang mag-focus.

Paano mo nga ba magagabayan ang inyong anak sa ganito? Subukan lamang ang mga sumusunod at tiyak na aayos ang kanilang attention span:

 

1. HEALTHY LIVING – Pakainin sila ng masusustansyang pagkain

Mabuti para sa mga bata ang kumain ng masustansyang pagkain bago mag-aral. Hindi sila nakakaisip ng maayos kapag sila ay gutom. Nakakatulong sa concentration nila ang pagkain ng masusustansyang pagkain. Sinabi sa pag-aaral, kapag puro junk foods at pagkain na puro asukal at fats, bumabagal ang kanilang pag-iisip at pagconcentrate.

 

2. LET THEM PLAY GAMES – Paglaruin sila ng games na nakakatulong sa concentration at memory

Pag sinabing games, hindi yung mga applications na pwedeng i-download sa gadgets! Ito ay ang mga totoong laro katulad ng jigsaw puzzles, crossword puzzle, at number card games. Ang mga larong ito ay nakakatulong sa kanilang memory at short attention span.

Hangga’t maaari, ilayo ang gadgets at computer sa kanila. Paharapin sila sa libro at totoong mga laro.

 

3. ORGANIZE-  Hatiin mo sa maliliit na bagay ang kanilang ginagawa

Bigyan ang iyong anak nang “sense of accomplishment” sa pamamagitan ng pag-organize ng kanilang mga ginagawa. Gumawa ka ng checklist ng mga kailangan niyang gawin para hindi magulo ang mga gagawin nila sa isang araw.

 

4. GIVE THEM SLEEPING BREAKS – Bigyan mo siya ng break para umidlip at mapahinga ang utak

Importante na sapat ang kanilang pahinga, lalo kapag galing sa eskwelahan. Bigyan mo siya ng pagkakataon makaidlip o tulog ng 30 minutes hanggang 1 hour.

 

5. LEARN HOW THEY LEARN – Alamin ang intelektwal na kapasidad niya at paraan ng pagkatuto niya

Iba iba ang gana at style ng mga bata sa pag-aaral, depende sa learning style nila. I-guide mo siyang malaman kung ano ito at i-enhance mo ito para mas ganahan siyang matuto. Kapag nalaman mo na ang kanyang learning style, tuluy-tuloy na siyang matututo.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articlePalmistry 155: Ikaw ay matagumpay na negosyante
Next articleKapangyarihan: Paraan para mapaibig si Labs
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here