5 Tips Paano Magmahal ng Manloloko

Avatar

Hindi madali kapag niloloko ka na ng isang taong pinagkatiwalaan mo. Kung may mahal ka ngayon at nasa sitwasyon ka na lagi ka na lang niloloko, basahin ang article na ito at bigyan ang sarili mo ng oras mag-isip kung paano mo pa mas hahabaan ang pasenya mo sa kanya.

Hindi lahat ng tao ay naranasan na ang maloko, at kapag first time nila ito ma-experience, sobra sobra ang sakit. May mga tao naman na sanay na rin masaktan, at alam nilang may pagmamahal sa pagtitiis. Kung first time mo masaktan at maloko ng isang tao, ginawa ko ang article na ito para hindi ka sumuko sa tao na yan. Nag-invest ka na ng oras dyan kaya wag mo siya bitawan. Hindi mo alam, baka may mga problema lang siya na hindi niya masolusyonan mag-isa. Basahin ang tips na ito:

1. Huwag kang maging mahigpit sa kanya

Huwag mong ipakita na nagsususpetya ka na sa kanya. Maging kalmado ka lang kahit alam mong niloloko ka na niya. Ipakita mo na mahal mo siya at pagsilbihan mo siya. Kung may lakad siya, pagkatiwalaan mo lang siya at hayaan.

2. Huwag mo pakielaman ang social media at cellphone niya

Bigyan mo siya ng space. Huwag mo basahin ang text messages niya, e-mails at social media niya. Ipakita mo lang na nagtitiwala ka sa kanya.

3. Maging malambing ka lang sa kanya

Ipakita mo na mahal mo siya at kaya mo ibigay lahat ng kailangan niya. Genuinely love him. Paglutuan mo siya at pagsilbihan mo siya. Huwag yung napipilitan para maramdaman niya rin ang pagsisisi sa pangloloko niya sayo.

4. Yayain mo siya mag-date

Lumabas kayong dalawa kahit sa isang restaurant or movie theatre lang. Maganda rin kung restaurant para makapag-usap kayo sa mga bagay na hindi ninyo napag-uusapan noon.

5. Pray for him

Ipagdasal mo kay God yung heart mo at yung heart niya. Hindi man niya alam, pero maniwala ka na prayer works and it can move mountains. Pray small and big prayers to God and ask Him to be at the center of your relationship. Never doubt that God can guide your relationship.

CONCLUSION

Pag hindi nagwork ang 5 tips na ito, magdasal ka rin kung ano ang gustong ituro ni God sayo at kung ano ang plano niya para sa relasyon ninyo. Kung tingin mo ay sinasabi na ni God na maghiwalay na kayo, then let go and accept God’s will for your life. I’m sure may planong mas maganda si God sayo kung hindi man siya ang para sayo.

SHARE
Previous articleMga Pamahiin Tungkol sa Moon (Buwan)
Next articleMGA HALAMAN KONTRA KULAM
Avatar
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here