5 Things To Know About Virgo

0
428

Latest posts by Madame Yna (see all)

1.Ayaw sa Iresponsable. Isa sa pinakaayaw ng Virgo ay ang mga taong iresponsable. Yung mga tao na walang pakialam sa kanilang responsibilidad sa kanilang pamilya, kaibigan, pamayanan at sariling pagkatao. Yung mga tao na hindi kayang pangatawanan ang kanilang sinasabi at umaaksyon na hindi kayang panindigan. Kapag nagkamali ay maghahanap ng masisisi. Ito ang mga tipo ng tao na hindi gustong makasama ng isang Virgo.

2.May sariling sikap. Ang Virgo ay may kakayahang tumayo sa sarili niyang mga paa. Ayaw na ayaw niya ang umaasa sa iba. Hindi niya bet ang kaawaan o bigyan ng tulong. Mas gusto niya ang siya ang tumutulong. Kahit pa malagay na siya sa alanganing sitwasyon ay pipigilan pa rin niya ang sarili na humingi ng tulong.

3.Tapat na kaibigan at karelasyon. Bagamat hindi ganoon kadali na makuha ang loob ng isang Virgo, sa oras naman na ito ay magbigay ng tiwala sa’yo, asahan mo na magiging loyal siya sa inyong relasyon bilang magkaibigan man o bilang kabiyak. Hindi siya madaling madala sa tukso.

4.Mapag-obserba. Hindi man siya madaldal na tao, siya naman ang most observant sa lahat ng mga zodiac signs. Hindi mo mapapansin pero pinag-aaralan na pala niya ang bawat kilos mo’t galaw. May kakayahan siyang malaman kung ikaw ay nagsisinungaling o hindi. Kaya mag-ingat ka kung may makakasalamuha kang Virgo dahil sa oras na hindi ka magsabi ng totoo, hindi siya manghihinayang na alisin ka niya sa buhay niya.

5.Mapangarapin. Alam ng Virgo kung ano ang kanyang mga pangarap at kung paano niya ito aabutin. Kahit pa alam din niya na hindi ito magiging madali ay hindi siya agad bibitaw. Magpapatuloy siya sa direksyon kung saan nakikita niya ang pag-asa sa katuparan ng kanyang mga pangarap. Handa siyang isa-isahin na alisin sa kanyang landas ang mga makikita niyang sagabal. Harangan mo man ng sibat, gagawin niya pa rin kung ano ang naka-set na sa utak niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here