5 Sweet Words na Gusto Mong Marinig Mula sa Kanya

0
97

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Single ka man o taken na, tiyak na makaka-relate ka dito. Kung meron ka mang mga salitang gustong marinig mula sa iyong sweety pie, siguradong kasama sa list mo ang mga sumusunod;

1.Ang ganda mo/ Ang pogi mo. Sino ba naman ang hindi gugustuhing makarinig ng compliments mula sa iyong mahal. Syempre naman gustong gusto natin ang pinupuri tayo lalo na kung ang papuri ay mula sa kanya. Kaya nga tayo nagpapaganda at nagpapaguwapo ay para mapansin tayo. Lalo na ng mahal natin.

2.Ingat ka. Kapag sinabihan ka niya ng “ingat ka”, bukal man ito o hindi sa loob niya ay kikiligin ka na. Ang dating kasi sa’yo nito ay ayaw ka niyang mapahamak o ayaw niyang may mangyari sa’yo na hindi maganda. Kaya ikaw naman, magdodoble ingat para sa kanya.Hang sweet diba?

3.Kain ka na. It’s either ayaw niyang magutom ka o gusto ka niyang makasabay sa pagkain. Lalo na kung kayo ay magkasama sa trabaho o opisina at iisa ang canteen na kinakainan nyo. Tapos ang drama mo ay magpapahuli ka talaga sa lunch, para dalhan ka na lang niya sa table mo ng pagkain at saka sasabihin sa’yo na “Kain ka muna.” Pustahan matamis na ngiti ang una mong magiging reaksyon.

4.Huwag mong pababayaan ang sarili mo. May nagsasabi pa ba nito sa ngayon? Oo naman. Ito yung mga lover na sincere sa kanilang nararamdaman. Once na ma-in love daw kasi ang isang tao ay marami siyang nasasabi na hindi niya akalaing masasabi niya. Ito yung kung tawagin ng iba ay korni pero sa pandinig ng inlab, ito ay sweet.

5.Mahal na mahal kita. Madalas daw itong marinig mula sa mga bolero. Pero wait lang besh, mararamdaman mo naman kung seryoso sa’yo ang nagsabi nito. Kapag sinabi niya ito sa’yo ay tingnan mo siya sa kanyang mga mata at doon mo makikita ang sincerity sa kanyang sinasabi. Parang magic yon na mapi-feel mo. Yun nga lang may mga babae at lalaki na masabihan lang ng mahal kita sa text or call ay naniniwala agad kapag gusto rin nila yung tao na nagsabi. Ang sweet naman talaga kasi ng salitang ‘yan na kapag narinig mo sa mahal mo ay gugustuhin mo talagang paniwalaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here