5 Sa Mga Maiiyag ng KPop Na Kilalang Madiskarte sa Buhay

Kristina Yambao

Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio:https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

Latest posts by Kristina Yambao (see all)

Aminin man natin o hindi, lahat ng artista ay malamang nag iisip din kung saan sila hahantong. Sabi nga nila, hindi naman pang habang buhay ang pagtatanghal. Pasasaan ba at ang ating mga iniidolo ay tatanda din kalaunan, o di kaya, mapapalitan ng mas may higit na talent—depende sa takbo ng panahon. Kaya naman, samantala’ng ang iba ay nagwawaldas ng kanilang mga pinaghirapan, may mga iilan naman sa miyembro ng KPop na magaling sa buhay at marunong magdala.

Kilalanin natin kung sino itong lima’ng tinaguriang mahusay magdala ng kanilang mga pera at hindi puro lang porma.

 

#5 Kim Jae-joong

          Hindi pumigil kay Kim Jae-joong ang matamo ang kanyang kasikatan ngayon sa industriya ng KPop kahit sa kanyang mapaghamong karanasan noong siya ay bata pa. Subalit, kahit noon paman, makikitaan mo na ang JYJ miyembro na ito ng katapangan’g makipagsapalaran sa buhay. Noong kinse anyos pa lamang siya ay humiwalay na siya sa kanyang pamilya upang makipagsapalaran at makasali sa audition na ginanap ng SM Entertainment. Bago paman siya nakapasok sa grupo’ng JYJ, sumabak muna sa pahirapan ng buhay si Jae-joong at nakaranas na tumanggap ng kahit anong trabaho para lang mairaos ang kanyang sarili habang naninirahan malayo sa pamilya. Ang katapangan niya’ng harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay ay siya’ng dumagdag sa kanyang kaiyagan sabi ng kanyang mga taga hanga.

 

#4 Lee Hyori

Hindi lamang sa husay ng kanyang pagkanta nakilala si Lee Hyori, pati narin sa kanyang pag arte at paglikha nga mga awitin na ilang bese na ring nabigyan ng parangal. Nagsimula sa grupo’ng KPop na Fin. K.L., alam ni Hyori na hindi lang dito dapat magsisimula at magtatapos ang kanyang tagumpay sa KPop. Ginawa niya itong daan para pasukin ang industriya ng pag arte gawi narin sa kanyang talento at ganda. Hindi karaniwang babae si Lee Hyori na dahil isa siyang public figure ay wala nang mas importante pa sa mundo niya kundi ang kanyang pag awit at pag arte dahil kilala din siya bilang isang aktibista. Isinusulong niya ang karapatang pambabae sa kanyang mga awitin kaya naman malakas ang kanyang mga babaeng tagasuporta. Isa ito sa nagdala sa kanya na maging parte dito sa listahang ito. Ang pagiging madiskarte sa buhay ay wala sa porma, nasa sariling prinsipyo din.

 

#3 G-Dragon

Ang miyembro’ng ito ng BIGBANG ay hindi lamang kilala bilang isang mahusay na mang aawit kundi isa ding matagumpay na negosyante. Alam niyo ba? Si G-Dragon ay nag mamay-ari ng Café Aewol Monsant na nakatayo sa Jeju Island! Ang kanyang café ay sinasabi’ng pang world class ang dating. Sa kanyang labas na struktura, hindi mo masasabi’ng ang café ay magarbo ngunit, nasa mismong isla ito. Hindi mo lang ma-eenjoy ang sariwa ng hanging dagat, talagang makakapagpahinga ka sa dulot ng ambiance dito. May roof deck pa kung saan pwedeng tumambay ang mga patron. Dito mo masasabi na si G-Dragon ay maiyag dahil siya ay financially independent!

 

#2 Jessica Jung

Kilala si Jessica Jung bilang miyembro ng KPop na grupo’ng Girl’s Generation, subalit hindi nagtagal ang kanyang pakikibahagi at nagtapos ito noong 2014. Hindi lang mahusay si Jessica sa pagkanta, siya din ay marunong magsulat ng mga kanta. Ang nagdagdag ng kanyang kaiyagan sa industriya ng Kpop ay ang kanyang husay sa pagdiskarte sa buhay. Kahit wala na siya sa grupo’ng Girl’s Generation, hindi napigilan ang kanyang tagumpay ng siya ang hinirang na kauna-unahang KPop artist na nakapagpatayo ng sarili niyang linya ng damit. Ang pangalan ng linya ng kaniyang damit ay ang BLANC & ECLARE. Simula noong ito’y kanyang inilunsad, lumaganap na ito sa buong Hong Kong at ibang parte ng Asya.

 

#1 Jun Su

Oo, nabasa niyo ng tama—si Jun Su ang #1. Walang iba kundi si Jun Su ng JYJ na grupo’ng KPop. Bakit? Hindi lang siya hinangaan sa kanyang kagwapuhan, hindi lang pala hanggang sa entablado ang kanyang husay, lalo na pala sa pagpapaunlad ng kanyang kita sap ag kanta at sayaw. Siya lang naman ang may ari at nakapagpatayo ng Toscana Hotel & Resort—isang malaking resort hotel na nakatayo sa Jeju Island! Alam niyo na siguro kung bakit may mga panahon na makikita mo’ng may “tan lines” si Jun Su. Madali lang sa kanya ang mag “R&R”.  Kaya naman siya ay tinagurian ng kanyang mga tagahanga na “most eligible bachelor.”

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articleBIO: Kim Wan Sun
Next articleI Am Filipino : Mga Pilipinong Manlalaro
Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio: https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here