Kapag sobrang tagal na ng relationship ninyo, alam na alam na ninyo ang halos lahat sa partner ninyo. Alam ninyo na ang mga magaganda at hindi magaganda sa partner ninyo at minsan, isa itong bagay na pinaghahawakan ninyo sa kanila.
Sa dami nang alam mo sa minamahal mo, maaaring magamit mo rin ito laban sa kanila kapag nag-away kayo. Pero gagawin mo nga ba ito? Basahin ang article na ito para malaman ang mababaw na pwede ninyong pag-awayan, pero pwede ring iwasan.
1. Selos
Tandaan na ang selos ay never magiging tama. Kung tingin mo ay hindi mo pinagkakatiwalaan ang isang tao na malapit sa partner mo, maaari mong kausapin ang partner mo tungkol dito, nang hindi nagagalit o nakikipag-away. Madadaan ito sa usap. Hindi cute ang pagseselos, tandaan mo yan. Kung humahanap ka lang ng rason para mag-away kayo, tigilan mo na dahil hindi makakatulong yan sa growth ninyo as a couple. Marami pang mas importanteng bagay sa mundo, that’s the last thing you should do, get jealous. Lahat ng ginagawa mo out of fear, jealousy at takot ay laging di magiging maganda ang epekto.
2. Hindi pag-rereply agad
Maaaring nasa trabaho ang partner mo, kaya iwasan mo na ang magalit sa kanya. Iwasan mo na yung ikakasira ng focus niya sa trabaho. Hindi kayo uusad as a couple kung puro ka tampo at galit.
3. Pera
Huwag mo hayaan na masira ang relasyon ninyo nang dahil sa pera. Bigyan mo pa rin ng respeto ang partner mo dahil maaaring may mga panahon na kapos kayo, pero again, madadaan ninyo ito sa usap. Magkaroon kayo ng budget meeting o plan imbes na mag-away kayo.
4. Differences ng bawat isa
Tanggapin ninyo na hindi kayo pareho. Dapat mahalin ninyo ang pagkakaiba ng bawat isa. Bigyan ninyo ng room or space ang differences ninyo nang sa gayon ay mas ma-appreciate ninyo ang traits ninyo parehas.
5. Pakikielam ng ibang tao
Katulad nang nasa article ko na “5 Reasons Bakit Hindi Dapat Nakikielam ang Ibang Tao sa Relasyon Mo”, makikita ninyo ang masamang epekto ng ibang tao na sumasawsaw sa relasyon ng mga tao. Huwag mahulog sa patibong na ito at mag-focus lang sa sarili ninyong relasyon.