5 Rason Kung Bakit Nag-Uungkat ng Nakaraan ang Asawa Mo

Marahil ay nangyari na sayo ‘to. Masayang masaya kayo ng asawa mo dahil nagrerelax kayo sa loob ng bahay. Hindi ninyo iniisip ang problema, nang biglang magtanong ang asawa mo tungkol sa nakaraan na halos di mo na nga matandaan dahil ang tagal tagal na. Inusisa niya bigla ang isang kasalanan mo noon na gusto niyang pag-usapan ulit. Bakit kaya niya inungkat ito? Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba o hihingi ka ulit ng tawad? Read on.

Basahin ang article na ito para malaman mo ang mga rason kung bakit nag-uungkat ng kasalanan ang iyong asawa. Huwag ka ma-stress, dahil mas maganda kung haharapin mo ito nang kalmado ka.

  1. May pinagdadaanan ang iyong asawa

Maaaring may problema ang asawa mo sa kanyang trabaho, o kaya sa buhay niya in general. Kailangan ay mapag-usapan ninyo ito para hindi na lumaki ang mga problema ninyong mag-asawa. Kung nakakaranas ng depression o anxiety ang asawa mo, mas lalong dapat mo siyang kausapin dahil mahirap ang ganitong sitwasyon. Bigyan mo siya ng rason para magtiwala sayo.

  1. Marami pang hangups ang asawa mo dahil hindi mo siya nabigyan ng closure

Baka hindi ninyo pa talaga napapatawad ang isa’t isa at hindi pa nasarado ang chapter na ito ng buhay ninyo. Pag-usapan ninyo na agad ito i-settle ninyo na once and for all ang mga problema ninyong mag-asawa. Kahit mag-away kayo ulit ok lang, as long as mapag-usapan ninyo lahat at mabigyan ninyo ng resolution ang problema ninyo.

  1. Hindi ka niya mapagkatiwalaan

Kung hirap ang asawa mo na pagkatiwalaan ka, kailangan mo maibalik ito at dapat ay mag-effort ka talaga, dahil kapag hindi, mas mahihirapan kayong dalawa sa relasyon ninyo. Ibalik mo ang sweetness ninyong mag-asawa at pakiligin mo ulit siya. Iparamdam mo rin sa kanya na mahal na mahal mo siya at hindi mo kayang saktan siya katulad nang nagawa mo noon. Palitan mo ang bad memories niya with good ones.

  1. Hindi naka-sentro ang relasyon ninyo sa Panginoon

Always pray together. Huwag kakalimutan gawing sentro ang Diyos sa buhay ninyo. Pasalamat ninyo ang Panginoon sa buhay na pinagkaloob niya sa inyo at dapat ay hindi kayo nabubuhay na puro pansarili ninyo lamang ang iniisip ninyo.

  1. Binibigyan mo rin siya ng rason para mag-isip muli

Lambingin mo lagi ang asawa mo para hindi siya nakakaisip ng negative thoughts. Bigyan mo siya ng mga rason para ibigin ka ng walang pag-aalinlangan. Maging genuine ka sa kanya at huwag kang magsinungaling sa mga totoong nararamdaman mo.

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articlePahula 149: Maraming nunal sa mukha at braso ang soulmate
Next articleKapangyarihan : Mga mantra upang makamit ang hangarin sa buhay
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here