5 Paraan Para Magkaroon ng Work-Life Balance

0
35

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Nakaka-stress ba sa office ngayon? Di mo na ba alam ang gagawin mo dahil pag-uwi mo ay nagpapahinga ka na lang at hindi ka na productive sa ibang bagay?

Ang ibig sabihin ng “Work-Life Balanace” ay ang paghihiwalay ng personal at professional mong buhay. Parehas importante ang dalawa at wala dapat mapabayaan sa parehas. Bakit importante ang “Work-Life Balance”? Importante ito dahil dito mo mas natututunan kung paano mabigyan ng sapat na oras ang mga priorities mo sa buhay, goals mo at ang mga mahal mo sa buhay. Kung balanse lahat, hindi ka mangangamba na may naiiwan ka nang mga plano, pangarap at mga tao.

Basahin ang article na ito para malaman mo kung paano magkaroon ng “Work-Life Balance”.

1. Mag-focus ka sa strengths mo

Pagdating sa trabaho, huwag mong gawin lahat para sa mga tao sa paligid mo. Mag-focus ka dun sa mga bagay na magaling ka at i-delegate mo na yung ibang tasks sa ibang tao. Tandaan, work smart! Kung hindi ka magaling sa isang bagay, huwag mo na ipilit dahil baka madismaya ka lang sa mga resulta.

2. Gumawa ka ng Check-List!

Prioritize your time wisely. Don’t go around running like a headless chicken. Pag di mo naiintindihan ang dapat gawin, umupo ka muna at maglista ng mga dapat mong gawin. I-prioritize mo yung mga urgent at itabi muna ang makakapaghintay pa.

3. Mag-allot ka rin ng personal time

Importante na mabigyan mo ng pahinga ang sarili mo para may proper pacing ka. Kung umuwi ka na sa bahay, iwasan mo nang isipin ang trabaho mo sa bahay. Ipahinga mo ang utak mo para mag-function ka pa rin sa susunod na araw sa trabaho. Ganun din dapat sa trabaho. Huwag kang mag-isip ng ibang bagay kapag nasa trabaho ka para matapos mo ang tasks mo ng maayos.

4. Magbigay ka ng oras sa mga tasks mo para maiwasan ang pag-uwi ng trabaho sa bahay

Sa paggawa mo ng checklist, bigyan mo ng doable time ang bawat task. Kunwari, tatawag ka sa cliente, bigyan mo lang sarili mo ng isa o hanggang dalawang oras dito, para makapag-move on ka na sa next task mo.

5. Manage your long term time

Pag may projected goals ka na, malamang ay dapat may projected timeline ka na rin. Hindi kailangan lahat planado, pero dapat kahit paano ay napipicture mo na mga targets mo sa buhay. This way, mas may direction ang buhay mo at hindi kinakabahan araw araw na baka hindi ka productive sa buhay mo. fffff52006f00

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Marso 18
Next articleMGA PAMPASUWERTENG CHINESE HOME DECORATION IDEAS
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here