5 Paraan Para Mag-Move On sa Pagkamatay ng Mahal sa Buhay

0
110

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Hindi madali ang pag-move on lalo kapag nawala ang mahal mo sa buhay. Lalo kapag magulang mo ang nawala, napakasakit at parang feeling mo gugunaw na ang mundo mo. Bukod sa pangungulila, kailangan mong harapin ang kinabukasan.

Paano nga ba mag move on sa pagkawala o pagkamatay ng mahal mo sa buhay?

1. Iiyak mo yan

Nakakabawas sa nararamdaman mong kirot ang pag-iyak kung dapat ay huwag mo itong pigilan. Hindi mo mapipigilan ang kalungkutan kaya dapat ay hayaan mo lang itong mangyari, walang pumipigil sayo at tandaan mo na kahit si Hesus ay umiyak nang mamatayan siya ng kaibigan na si Lazaro. Hindi masama ang magluksa at umiyak dahil paraan ito para maibsan ang dala dala ng puso mo.

2. Makipag-usap ka sa ibang tao

Huwag mong itago ang pagdadalamhati mo, kung hindi ay mas mabibigatan ka. Mas maganda kung ilalabas mo ang dinadala mo sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Maaari mo ring kausapin ang mga kamag-anak mo na malapit sa pumanaw mong mahal sa buhay.

3. Pray about how you feel

Malaking bagay ang pagdadasal para sa pag-move on. Tandaan, surrendering your worries and sorrows to God eases your pain. Si God ang bahala sayo, hindi mo kailangang dalhin lahat dahil siya ang may plano sa buhay mo.

4. Remember all the good memories and remind yourself that this is God’s Plan

Alam natin na lahat tayo ay pupunta rin sa kamatayan. Kailangan natin itong tanggapin. Ang mahalaga, tinanggap natin si Hesus bilang ating tagapagligtas at Panginoon. Hindi natin masasabi kailan tayo kukunin ng Diyos, pero ang mahalaga ay isurrender natin ang buhay natin sa kanya at mabuhay tayo ayon sa kanyang plano. Hindi natin kailangan mangamba dahil walang nakakatakot kung buong tiwala natin ay nasa kanya. Maraming tao ang naliligaw at hindi alam saan pupunta, kung ang buhay natin ay nakasalalay sa kagustuhan ng Diyos, hindi na natin kailangan mangamba sa mangyayari sa atin.

5. Find your support group

Besides sa mga kaibigan mo, humanap ka ng mga taong nasa parehas mong sitwasyon. Sa ganitong paraan, mas matutulungan mo ang sarili mo na makapag-move on. Sa ganitong paraan, mas magkakaroon ka ng closure. Hindi madali ang mag-move on, pero kung alam mong may makakausap ka at may makikinig sayo, mas magiging madali ang lahat.

Nasa ganitong sitwasyon ka ba? Nangyari na ba ito sayo? Share your story.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here