5 Main Reasons for Break-Ups

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

May mga pagkakataon sa buhay natin na tinatanong natin sa ating sarili kung bakit nangyari ang mga bagay bagay. Kapag maganda ang pangyayari sa ating buhay natural lang na hindi na natin ito kuwestyunin. Sa halip ay buong puso natin itong tinatanggap. Subalit kapag hindi maganda ang pangyayari, dito na tayo napapaisip kung bakit kailangan mangyari ‘yon. Isa sa mabigat na pinagdadaanan ng isang individual ay ang kanyang break up. Sa aminin man natin o hindi, kapag tayo ay nasa stage ng break up ay nahihirapan tayong tanggapin ito. Apektado ang ating daily routine. Hindi tayo makakain, hindi makatulog at sobrang lungkot ng paligid specially kung mahal na mahal mo pa yung tao na kailangan mong hiwalayan. Pero ano nga ba ang mga dahilan kung bakit ito nangyayari? Narito ang 5 main reasons na maaaring sagot sa inyong katanungan.

1.Panakip butas lang. May mga pumapasok sa relasyon alang-alang sa kanilang ego. Yung tipong naghahanap ng mababalingan at maipapanangga sa kanilang kalungkutan. Kung ikaw ang napiling gawing panakip butas, malamang kapag naka move on na siya o nagkabalikan na sila ay ma-realize niya na hindi ka pala niya kailangan. Ouch! Ang sakit naman no’n diba? Yung akala mo mahal ka niya yun pala sinagip lang niya ang sarili niya mula sa pagkalunod at ginawa ka lang niyang timbulan. Nang dumating na ang rescue ay iiwan ka na lang niya basta sa gitna ng napakalawak na dagat ng kalungkutan dahil ikaw ay isa lang palang panakip butas.

2.Ayaw ng magulang o pamilya. Whether we like it or not, malaking bahagi ang ginagampanan ng pamilya natin sa pagpasok natin sa isang relasyon. Lalo na ang ating mga magulang. Kapag hindi nila nagustuhan ang tao na iniharap mo sa kanila bilang iyong karelasyon ay gagawa at gagawa sila ng way para imulat ang mga mata mo at magbago ang damdamin mo. Nowadays, marami pa rin talaga ang nakikinig sa kanilang magulang which is good naman. Kasi wala namang magulang ang gugustuhin na mapunta sa hindi karapat dapat ang kanilang anak.

3.Pag-aalinlangan sa kasarian. Isa sa dahilan na mahirap tanggapin ay ang confusion pagdating sa gender. Marami pa rin sa mga tao ngayon ang hindi agad nakakapag-out sa kung ano talaga ang tunay nilang pagkatao dahil nalilito pa sila. Kaya para masiguro ay sinusubukan nila ang makipagrelasyon sa babae at sa lalaki. Kung ikaw ay babae at ang nakarelasyon mo ay nakumpirma ang sarili niya sa panahon na madly in love ka pa sa kanya, sad to say wala na kayong ibang patutunguhan kundi break up.

4.Turn off. Masakit din isipin na walang ibang dahilan ang inyong break up kundi dahil na-turn off lang siya sa’yo. No third party promise! Kundi may mga nakita lang siya sa’yo na hindi niya kayang tanggapin like your bad attitude. Maaaring wala kang respeto sa magulang o kaya rude ka pala or makalat sa bahay o hindi malinis sa katawan. Kapag nangyari ito, pwede ka namang magbago para sa kanya, kaya lang baka hindi mo na mabago ang katotohanan na hindi ka na niya mahal.

5.May mahal na siyang iba. Ito na ang pinakamasakit na reason. Yung nakatagpo na siya ng iba na mas higit sa’yo. Ito yung tinatawag na masaklap na biro ng tadhana. Yung deeply in love ka pa sa kanya pero all of a sudden ay magigising ka na lang na wala ka ng marereceive na text from him or calls at hindi na rin niya nila-like ang mga post mo dahil may iba na pala siyang nila-like. Kapag na-notice mo ay saka lang siya aamin na meron na nga siyang ibang mahal. Sakit diba? Pero hindi pa naman ito ang apocalypse para magpanic ka. Time goes on at somehow ay makaka-move on ka rin. Kapit lang!

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

More Vegan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here