5 Mahahalagang Sangkap sa pang-Habambuhay na Relasyon

Asian bride and groom gaze at each other while they stroll on Lanikai beach as they look forward to their life as a married couple following their wedding.

Una, pag-ibig.  Ang dahilan kaya nagpalitan kayo ng ‘I do’ ay dahil mahal na mahal ninyo ang isa’t isa at pakiramdam ninyo ay hindi kayo mabubuhay kung hindi kayo magkasama. Kaya, kung may pagkukulang man ang isa, kailangan ay punan ng pagmamahal para ang pagsasama ninyo ay maging maligaya

Pangalawa, tiwala. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo sisirain ang tiwala na ibinibigay niya sa’yo at siyempre, hindi mo rin siya sasaktan. Kaya, dapat hindi kayo maglilihim sa isa’t isa. Malaki o maliit man ‘yan kailangan sabihin sa karelasyon. Tandaan, dalawa kayong dapat na magpatakbo ng inyong buhay.

Pangatlo, respeto. Hindi dapat maging isyu sa inyo kung sino ang mas malaking kumita dahil diyan magsisimula ang lamat sa inyong relasyon. Kailangan kasi tanggap ninyo ang kahinaan at kalakasan ng isa’t isa. Hindi maaari iyong magsisigawan at magsusumbatan kayo.

Pang-apat, atensyon. Kailangan siyempreng may time kayo sa isa’t isa. Hindi maaari iyong trabaho lang ang iintindihin ninyo. Kailangan ay mayroon din kayong bonding. Kahit pa sabihin mong may anak o mga anak na kayo, dapat pa ring may oras kayo para sa isa’t isa.

Panglima, komunikasyon. Anuman ang iniisip at nararamdaman mo ay dapat ibahagi mo sa iyong mahal. Tandaan mo, siya lamang ang magiging kakampi mo kaya dapat lamang ay wala kayong lihiman. Mas lalong kailangang pag-usapan ninyo ang anumang problema kapag ito ay makakaapekto sa inyong pagsasama.

O, tandaan mo ito.

All your Panaginip, Pamahiin, Pahula, Palmistry, Gayuma and more questions answered quickly

Simula sa Mayo 7 sasagot kami ng katanungan sa inyong pahula sa kapalaran at kahulugan ng inyong panaginip at iba pa, ito po ay sa  ating Forum na natatagpuan sa https://filipinaproud.com

Halos lahat ng inyong mga tanung ay masasagot sa loob ng 24 oras. Kung nais mong tulong kung paano makasali o makapag sign in. Please message us. Salamat

Registration Instructions:

  • Go to https://filipinaproud.com  
  • Click on Join (top bar)
  • Add User Name  (one word or name or two words combined, example:  MissJenn)
  • Add Name and Password and confirm password.  Mobile not necessary
  • Select Register and you will be redirected to your profile page.

To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page. 

Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button).   Add title and then add your question in comment box.  View other requests for examples

One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here