5 LUCKY SYMBOLS NA IYONG MAGAGAMIT UPANG SUWERTIHIN

0
2451

Ang buong cosmos ay isang energy field. Sa esoteric teaching, may ilang simbolo na itinuturing na masuwerte sapagkat pinaniniwalaan na ito ay nagsisilbing gateway o lagusan ng divine energy.

         Sa tulong ng paglalagay ng mga lucky symbol na ito sa inyong bahay o kuwarto, ikaw ay makalilikha ng lagusan ng suwerte.

  • Lotus Flower. Sagrado ang simbolong ito sa Ancient Egypt, Ancient at Modern India, Hinduism, Tao, at Buddism. Ito ay simbolo ng pagbangon mula sa madilim na yugto ng buhay, kung paano umuusbong at yumayabong ang ugat ng lotus mula sa ilalim ng putik. Ang simbolong ito ay humihikayat ng katatagan ng loob sa gitna ng pagsubok.
  • Scarab. Ito ay simbolo ni God Khefra na nangangahulugang “ang pag-iral”. Si God Khefra ay katumbas ni Ra, ang Diyos ng Araw ng mga Ehipto. Ang Scarab ay simbolo ng hindi matitinag na pag-asa at mainam na kalusugan.
  • Acorn. Ito ay sagrado sa Ancient Greeks at Druids. Ang acorn ay mula sa banal na puno ng Oak na iniaalay sa Hari ng mga Diyos na si Zeus. Sinasabing pinapanatili ng acorn ang pagiging balanse ng katawan at espiritu. Ito ay pangontra rin sa anumang uri ng black magic.
  • Red Bats. Ito ay simbolo ng magandang kapalaran sa China. Ang dalawang paniki o Shuang fu ay nangangahulugan nang dobleng suwerte.
  • Wheel. Ito ay mystical symbol of growth and good luck. Ipinapaalala ng simbolo na ito ang pag-ikot ng kapalaran. Kung nasa ibaba ka ngayon, bukas ay nasa itaas ka naman.


LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here