5 Lalake ng KPop na may Pinaka Maiyag na Katawan

0
337

Kristina Yambao

Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio:https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

Latest posts by Kristina Yambao (see all)

          Kung ikaw ay KPop na tagahanga, aminin mo, hindi lang ang husay ng talento ng iyong iniidolo ang iyong tinitingnan. Mahuhuli ka din’g nakatitig sa kanilang mga matitigas na abs o biceps. Huwa’g mong ikahiya ito, kaibigan. Hindi ka nag iisa!

Para ika’y hindi mahirapan pa, narito ang limang lalake sa industriya ng KPop na ihinirang ng mga tagahanga na may pinaka maiyag na katawan:

 

#5 Choi Minho

Ang fandom ni Choi Minho na tinatawag na ShaWols—mga tagahanga ng SHINEE na grupo’ng KPop ay hindi maikakaila ang pagkabaliw sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Para sa kanyang mga tagahanga, si Choi Minho ang perpekto’ng lalake—mahusay sa kanyang larangan sa pagkanta, at maipagmamalaki ang kagwapuhan at kisig ng katawan. Alam ko ngayon ay kasalukuyan mon ang tinatype sa Google ang kanyang pangalan at kung makita mo ang kanyang abs? Naku ‘po! Hindi mo din ba masasabi na siya ay may katawan katulad ng isang atleta? Nasa tama lahat ang kanyang mga kalamnan na hindi’ng hindi mo makikitaan ng kahit anong taba!

 

#4 Kim Myung Soo

          Kilala sa kanyang stage name na L, dito mo mapag isip na hindi lamang ang katawan na hitik sa kalamnan ang itinuturing ng mga tagahanga ng KPop bilang maiyag. Siya ay miyembro ng grupo’ng INFINITE. Si L, kung iyong ikukumpara sa ibang KPop stars na lalake ay hindi ganoon kasiksik ng kalamnan ang katawan, kung tutuusin, siya ay itinuring na maiyag ng kanyang mga taga hanga dahil sa ito ay cute. Ang kanyang magiliw na mukha ay bumagay lamang sa tindig ng kanyang katawan. Ang mas lalong nagpadagdag sa kanyang iyag ang kanyang husay sa pagbalanse ng kanyang talento sa pagkanta at pag arte.

 

#3 Vernon

          Si Vernon ay nakilala sa industriya ng KPop noong siya ay sumali sa SEVENTEEN. Hindi mo man masasabi na siya ay may malaking tindig ng katawan katulad ni Choi Minho, pero ang sabi ng kanyang tagahanga, bumagay lang naman ang kanyang tindig sa kanyang mukha. Walang bilbil, ngunit hindi din naman payat. “Tama lang,” ika nga. Ang nagpadagdag sa iyag ni Vernon ay ang kanyang husay sa pag rap at ang galing niya sa wikang ingles.

 

#2 Taeyang

          Hindi mo maiiwasan na hindi mapansin si Taeyang kung magkataon man na siya ay nasa isang lugar na andon ka rin—mas lalo na kung nakadalo ka sa concert ng kanyang KPop na grupo’ng BIGBANG. Hindi mo maikakaila ang kanyang tindig kung saan mahilig din niya’ng ipakita sa kanyang mga ganap. “Hubadera,” sabi ng kanyang mga tagahanga. Makikita mo si Taeyang na mahilig mag concert na palaging nakahubad-baro. Kung ikaw ba naman ang may katawan na kasing tigas ng kay Taeyang na kalamnan, hindi mo kaya ito ipapakita? Pansin na pansin din ng mga tagahanga na mahusay ang tono ng kanyang balat, nakaklaro tuloy at hitik nyang mga kalamnan sa pagiging kulay moreno nito.

 

#1 Taceyeon

Si Taceyeon ng grupong KPop na 2PM’s ay siyang hinirang ng kanyang mga tagahanga na siyang pinakamaiyag sa grupo. Kilala ang kanilang grupo bilang mga “hayop” na idolo simula nung pinalabas ang kanilang pinakaunang album noong 2008. Hayop nga, dahil hayop sa kalamnan ang katawan ni Taceyeon. Hindi mo masisi kung bakit iniluklok siya ng kanyang mga taga hanga sa #1 dito sa listahang ito. Hindi lang matangkad si Taceyeon, hitik na hitik ang buong parte ng kanyang katawan ng kalamnan. Simula sa braso nito hanggang sa kanyang mga binti—hindi’ng hindi mo maikakaila na ito ay lumulublob sa gym para mag ehersisyo. At dahil siguro napansin din ito ng kanyang mga boss, ginawa itong lakas ng pagbenta—naging mas kilala pa tuloy siya dahil sa paghuhubad ng kanyang pang itaas sa tuwing ito ay nasa entablado. Si Taceyeon ay hindi lang din puro pagkanta o sayaw. Eto din ay kilala bilang isang negosyante. Kaya naman bentang benta siya sa mga tagahanga niya. Hindi lang maiyag, marunong din sa buhay!

More K-Pop

More BIO’s

SHARE
Previous articleBIO: Nash Aguas
Next articleIsyu 202: Ang kahulugan ng palasyo
Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio: https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here