5 Babae sa KPop na Hubadera

0
317
PhilippineOne Top 5

Kristina Yambao

Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio:https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

Latest posts by Kristina Yambao (see all)

Simula ng naging sikat sa industriya ng musika ang KPop, marami ng Pinoy ang nahumaling dito. Ang iba sa mga Pinoy ay nakahiligan na ang KPop na mga kanta at ang iba naman ay nakakuha ng inspirasyon sa fashion sense ng mga KPop artists. Dahil dito, marami rin ang nakapansin na ang stilo ng pananamit ng mga KPop artists ay may pagka sexy o maiiksi. Kaya naman, napag isipan nami’ng gumawa ng listahan sa lima ng babae’ng KPop artists na palagi’ng nakikita’ng maiksi ang mga damit, o sadya’ng hubadera.

#5 Hyuna

5 Babae sa KPop na HubaderaPumatigbabaw ang pangalan ni Hyuna sa industriya ng KPop noong siya ang lumabas sa video ng “Gangnam Style”. Siya din ay isang miyembero ng 4minute. Si HyunA ay mas nakilala sa kanyang kumpyansa sa sarili, hindi takot sumubok ng bago kahit pa ito ay mangangailangan na siya ay halos maghubad na. Ika nga, “trabaho lang walang personalan.” Siya din ay tinagurian na walang hiya sa katawan matapos lumabas ang kanyang music video na “Bubble Pop!” at “Ice Cream”. Ang alam natin, ang kanyang pagka hubadera ay nagustuhan ng tao ng umabot sa limang milyon ang nanoon ng kanyang “Ice Cream” music video.  

#4 Narsha

Nakilala si Narsha sa industriya ng KPop ng siya ay nakibahagi sa5 Babae sa KPop na Hubadera grupo’ng Brown Eyed Girls. Simula ng kanyang pagsali, siya na ay itinuring ng kanyang mga taga hanga na maiyag dahil sa pag galaw ng kanyang mala kurbang katawan sa indak ng tugtog na kanilang isinasagawa. Siya ay naging mas maningning bilang isang maiyag na performer noong lumabas ang album ng Brown Eyed Girls na may sekswal na konsepto katulad ng “Abracadabra” at “Sixth Sense”. Hindi mo dito makakaila ang pag papakita ni Narsha, kasama ng kanyang grupo, ng kanyang balat. Ang akala ng nakakarami, wala ng mas maiyag pa sa performance ng grupo dito sa kanilang album ngunit napatunayan ni Narsha na mas makakaakyat pa siya sa rurok ng kasikatan sa KPop kung siya ay mag isa. Sa kanyang pag awit mag isa, dito naipakita ni Narsha ang kanyang galing hindi lamang sa boses at galaw kundi pati na rin sa konsepto ng kanyang mga awit—dito niya nagagamit ang mga wig sa pag perform, na siya’g naging perpekto’g accessory sa kanyang mga performances.

 

#3 Kim Wan Sun

5 Babae sa KPop na HubaderaAng listaha’ng ito ay hindi lamang para sa mga millennials na KPop stars. Hindi’ng hindi natin makakalimutan si Kim Wan Sun na siya’ng nag iwan ng pamana ng pagkamaiyag sa larangan ng KPop simula pa noong 1986. Siya ang tinaguriang Madonna ng South Korea. Sa simula, si Kim Wan Sun ay hindi umaasa sa kanyang boses lang, mas nakilala siya sa kanyang maiyag na mga galaw hablang nasa entablado. Ang kanyang maiyag na pagalaw sa entablado ay kanyang mas pinahusay sa pamamagitan ng pag suot ng, mala see-through na mga damit na kung sa iilan matatawag na na nightie. Hindi man Pulido ang boses ni Kim Wan Sun, nakuha naman niya ang respeto ng kanyang mga tagapakinig ng makita siya’ng pinaghusay niya itong Mabuti sa pamamagitan ng pag eensayo at siya naman ay hindi nabigo. Lahat ng kanyang pinaghirapan ay may mabuting dulot sa kanyang trabaho.

 

#2 Yura

Si Yura ay masasabi man na baguhan sa larangan ng KPop dahil 5 Babae sa KPop na Hubaderanagsimula lang ito’ng pumasok noong 2010 at nakibahagi sa grupo’g Girl’s Generation. Ngunit, hindi mo maikakaila na siya ay mas lalo’ng napansin dahil sa gawi ng kanyang pananamit. Kung hindi mo man siya makita’ng nagsusuot ng napakaiksi’ng palda, makikita mo naman na ang kanyang mga pang itaas ay kalahati lamang, pinapakita ang kanyang abs. Kung ikaw naman ay bitin, makikita mo naman siya’ng naka bikini sa dagat, pinapakita ang kanyang malakurba’ng katawan.

 

#1 NS Yoon-G

5 Babae sa KPop na HubaderaNarinig niyo na ba ang kanta’ng “Honey Summer?” Kung nagustuhan niyo ito, mas magugustuhan niyo kung makita niyo ang video na nagpasikat pa lalo kay NS Yoon-G. Nakabikini, pinapakita ang kurba ng kanyang katawan na wala kang makita ni katiting na taba. Lahat ng anggulo ay perpekto simula dibdib hanggang binti. Makikita mo din ang kumpyansa niya sa sarili kahit gaano man kaiksi ang mga damit na suot niya siguro dahil narin sa kadahilanan na siya ay lumaki sa Estados Unidos. Kung ikukumpara si NS Yoon-G sa ibang KPop na artista, mas masasabi mo na siya ay mas liberated. Dahil na rin sa impluwensya na dulot ng pagtira sa banyagang lugar sa murang edad.

More K-Pop

 

SHARE
Previous articleHyunA – The Queen of South Korea
Next articleOFW Story Renjen : Gusto na mamatay
Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio: https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here